Matapos ang matagal na pamamahinga sa pagkanta, balik-tugtugan na ulit ang banda ni Lincoln Velasquez, a.k.a. “Cong TV” na COLN.
Naganap ang kanilang comeback performance noong May 6, 2025 sa San Fernando City, La Union na ikinatuwa ng mga solid na tagahanga ng Team Payaman.
Mainit na sinalubong ng mga San Fernandinos ang bandang COLN na binubuo nina Cong TV, Yow Andrada, Awi Columna, Gio Herrera, at Nins Denso habang sila’y nagtanghal sa isang Party-List Grand Rally.
Tampok sa kanilang set ang mga orihinal na kanta na kinagiliwan ng mga taga-suporta tulad ng ‘Baliw’ at ‘Pake’.
Si Cong TV, na kilala hindi lang bilang vlogger kundi pati na rin sa husay sa musika, ay todo bigay sa gitara at pagiging vocalist.
Hindi rin nagpahuli ang iba pang miyembro ng banda na kitang-kita ang pagkagalak sa kanilang pagbabalik sa entablado.
Samantala, maraming netizens at solid COLN listeners ang natuwa at nagpakita ng pagkagalak sa pagbabalik ng bandang COLN sa kanilang live performance sa Elyu.
Wendy Encarnado: “Ayon naman pala, kaya hindi [na] siya nag u-upload… busy siya sa pagiging rakista.”
Mark Jason Galera: “Hindi man kita nalapitan, at least nakita kita sa personal. Solid mo talga bossing! Balik ka ulit Elyu.”
Arjay Magcamit Mendoza: “Kaya pala walang upload si mossing! Balik alindog sa banda!”
Muling nakuha ng Team Payaman siblings na sina Baby Tokyo at Kuya Kidlat ang…
Ibinida ng Team Payaman member na si Viy Cortez-Velasquez sa bagong vlog ang mga tagpo…
Matapos ang ilang buwang pagsasanay, ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang kauna-unahang swimming meet ng kanilang…
Matapos ang kanilang local trip, dinala ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang…
Nagbahagi ng personal na health update ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa…
Sa gitna ng mga espekulasyon at tanong kung bakit tila bihira na siyang makita online,…
This website uses cookies.