Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Share Fun Couple Workout Moments

Naghatid ng good vibes at kilig online ang Team Payaman couple na sina Exekiel Christian Gaspar, a.k.a “Boss Keng,” at Pat Velasquez-Gaspar sa kanilang bagong Facebook reel kung saan tampok ang kanilang couple workout session.

Sa gitna ng seryosong ehersisyo, hindi nawala ang kulitan at asaran ng mag-asawa na siyang nagbibigay aliw sa kanilang mga tagapanood.

The Couple Workout

Sa unang bahagi ng kanilang video, ipinakita ng mag-asawang Boss Keng at Pat ang kanilang masayang bonding habang nagwo-workout nang magkasama.

Bagama’t seryoso ang intensyon ni Pat na mag-ehersisyo, hindi naiwasang mapuno ng kulitan ang kanilang session dahil sa mga banat ni Boss Keng.

Bukod dito, hindi rin nawala ang sweet moments ng mag-asawa, tulad ng mga pa-hirit na halik ni Boss Keng sa kanyang misis na si Pat, na nagbigay aliw sa mga manonood.

Sa kabila ng kanilang biruan, kapansin-pansin ang pagiging supportive ni Boss Keng habang maingat niyang ginagabayan si Pat sa tamang workout form.

Netizen’s Comments

Samantala, naging tampok sa komento ng netizens ang kakulitan ni Boss Keng sa kanilang workout session ng asawang si Pat.

Jennifer Bendo Romen: “Boss Keng, tawang tawa ako sa’yo. Istorbo ka kay Pat.”

Rose Esor: “Parang ‘yung coach ‘yung naasar sayo eh, ang gulo mo [Boss Keng].”

Marinel San Martin: “Cute niyo mag-workout. Hindi maintindihan kung motivation ba o distraction ginagawa [ni] Boss Keng.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

9 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

20 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.