Bukod sa swimming, gymnastics, at paglalaro ng beyblade, isa rin ang pagbisita sa Mavs’ Farm sa bonding ng Team Iligan-Velasquez.
Hatid ngayon ni Mommy Vien Iligan-Velasquez ang mga tagpo sa likod ng kanilang pagbisita sa kabukiran ng kanilang Lolo Marlon at Lola Jovel.
Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Mommy Vien Iligan-Velasquez ang mga manonood sa kanilang pagbisita sa kabukiran nina Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout at Lola Jovel.
Nagbihis farmer hindi lamang sina Mommy Vien at Daddy Junnie, kung hindi pati na rin sina Kuya Mavi at Viela.
“As a farmer ang mga anak ko! Kita n’yo naman, naka-hat pa ‘yang mga ‘yan [Mavi at Viela] oh!” biro ni Vien.
Una sa mga aktibidad na sinubukan ng Team Iligan-Velasquez ay ang sama-samang pagkain at pagpapakain ng mga manok ng kanilang Lolo Val.
“Good afternoon chickens,” pagbati ni Viela sa mga manok.
Nakisaya rin kina Vien sina Pat Velasquez-Gaspar, Boss Keng, kasama rin ang kanilang panganay na si Kuya Isla.
Sama-samang inikot ng magpipinsan ang farm ng kanilang Lolo Val, dahilan upang mag-enjoy itong makisalamuha sa mga hayop gaya ng mga kambing, aso, at mga manok.
Samantala, marami ang natuwa sa kakaibang bonding ng Pamilya Iligan-Velasquez na s’yang swak para sa magpipinsan na sina Mavi, Viela, at Isla.
@c4ctusjack: “I love Vien’s parenting style!”
@cristinmclyncaceres3571: “Bilib talaga ako kay Vien! Sana maging ganyan ako tulad nya pag naging mommy ako in the future. Since day 1 talaga from Mavi palang, amaze nako kay Vien sa parenting style!”
@bypeebee: “Aww, these kids will grow up family oriented, for sure.”
@Reiiaaaa: “Love Vien and her parenting style so much!”
@Jilljacob1122: “Excited makita na kumpleto ang mga bahay sa Congpound!”
Watch the full vlog below:
Concerts and fandom meetups are on the rise left and right. Are your collectibles ready?…
Hindi maitatanggi na labis ang pagmamahal ng mga netizens sa YouTube content creators na sina…
Maalalang nitong Marso ay dumalo ang Team Payaman Wild Dogs sa kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng…
Isang espesyal na gabi ng musika at selebrasyon ang naghihintay sa mga taga-suporta ng content…
Talagang sumisigla ang mundo ng Team Payaman dahil sa presensya ng kanilang mga little members…
Now that the school year has ended, learning should never stop, even when kids are…
This website uses cookies.