Unbothered Queens: Awra Briguela and Zeinab Harake Respond to Hate Comments

Hindi maitatanggi na labis ang pagmamahal ng mga netizens sa YouTube content creators na sina Zeinab Harake at Awra Briguela.

Sa likod ng kanilang tagumpay sa kani-kanilang mga larang, taas noo ring hinarap ng dalawa ang ilan sa mga natatanggap nila na hate comments online.

Responding To Hate Comments

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Zeinab Harake ang isa sa kanyang malalapit na kaibigan at kapwa Team Zebby na si Awra Briguela.

Ang nasabing child star ay kilala rin sa kanyang mga contents sa TikTok, Instagram, at Facebook. 

Sa likod ng kanilang kasikatan, hindi maiiwasan ang pagkakataong makatanggap ng mga hindi kaaya-ayang komento online.

Naisipan ng dalawa na harapin ang mga nasabing komento habang sabay na kumakain ng iang pagkain na kanila pang binili sa isang convenience store.

Sinimulan na ng dalawa ang paghahanap ng mga hateful comments sa platapormang Reddit, na ayon sa kanila ay hindi pa nila nasusubukang gamitin.

“Si Zeinab bumababa ang views,” komento ng isang Reddit user.

Hindi ito tinanggap ni Zeinab bilang isang hate comment, bagkus ay kanyang ipinaliwanag na nangyayari talaga ito sa kanya.

“Hindi naman kasi ako kasing active noong 2019-2020. ‘Yung content kasi na nilalabas ko lately ay accurate lang sa lifestyle ko,” paliwanag ni Zeinab.

Taas noo ring tinanggap ni Awra ang mga komentong kanyang natanggap gaya ng “feeling main character,” at “nawala ang respeto ko kay Awra.”

Sagot naman nya, “Okay lang naman [kasi] everyone deserves to choose kung sino ang rerespetuhin nila. And ‘yung respect, hindi naman [iniimpose] ‘yan eh. Ine-earn ‘yan” 

Walang pagdadalawang isip na hinarap pa ng dalawa ang ilan pa sa mga nagbabagang tanong na kanilang nakita sa nasabing social media platform.

Netizens’ Reactions

Samantala, dumagsa naman ang mga positibong komentong hatid ng mga netizens nang matunghayan ang reaksyon nina Zeinab at Awra sa hateful comments. 

@KyoQuijano: “I love you both, Zebby and Aw! You don’t deserve the hate, no one does. YES, we put ourselves out there, pero it doesn’t mean people have a free pass to be cruel. Kindness is free, LIBRENG LIBRE, try it sometime!”

@CristinaBerong: “5 years na akong fan ni Zeinab, I love her so much kase sobrang humble nya talaga tas family oriented syaa nakita ko sya in person ang ganda nya super!”

@jsphnmnmg6839: “Grabe ang character development nilang dalawa, I love you Awra and Zei! You deserve everything that you have right now, live life to the fullest!”

@nencheeannecolita5688: “I love how they handled the hate comments! super calm in and in a sarcastic way haha. Gusto ko ng ganitong bonding!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

5 days ago

This website uses cookies.