Why Did Cong TV Go on Hiatus? Papa Shoutout Explains

Laman ngayon ng iba’t-ibang social media platforms ang paghahanap ng mga netizens sa Team Payaman head na si Cong TV sa kanyang mga vlogs.

Alamin mula sa kanyang ama na si Papa Shoutout ang dahilan kung bakit nga ba hindi aktibo si Cong TV pagdating sa pagva-vlog.

Where is Cong TV?

Naging usap-usapan online ang pagkawala ng mga vlogs mula sa ilan sa mga miyembro ng Team Payaman — lalo na si Lincoln Velasquez o mas kilala bilang Cong TV. 

Sa bagong YouTube vlog ng ama ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV na si Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout, kanyang sinadya niya ang Congpound upang personal na tanungin ang grupo: “Bakit nga ba walang vlog si Cong?”

Unang sumagot si Jaime Marino De Guzman o mas kilala bilang Dudut, at inamin niyang pansamantalang isinantabi muna ang pag-YouTube upang bigyang pansin ang ibang platforms tulad ng Facebook, TikTok, at Instagram. 

Aniya, “Iba-ibang tao pala ‘yan, Tito. Kailangan pala nag-a-upload ka sa lahat.”

Bukod pa rito, pabiro pang sinabi ni Dudut na may 42 pending vlogs siya na hindi pa nailalabas. 

Isa sa mga dahilan? Wala siyang regular na editor. “Ang hirap pala mag-vlog ng 547,” sabay biro niya, patungkol sa dating content plan nila.

Self Care Is Key

Agad din namang sinagot ni Cong ang ama patungkol sa tanong nito pagdating sa kanyang pagiging aktibo sa pagvavlog.

Binigyang diin ng 31-anyos na vlogger ang importansya ng pahinga. Ayon sa kanya, importante ring huminto sandali para makapag-isip ng mga bagong konsepto, imbes na paulit-ulit na lang ang content

“Nagre-refresh, inaayos ang mental health, Pinaka-importante ‘yan sa lahat,” aniya. Dagdag pa ni Cong, “Kung wala kaming gagawin na bago, hindi na ako maglalabas ng vlog.” 

Aminado rin ang grupo na tila nauubos na ang kanilang inspirasyon. Marami sa kanila ang naghahanap ng bagong atake sa content creation. 

“Parang lahat ng video, magkakamukha na,” sabi ni Cong “Wala akong nakikitang revolutionary na creator ngayon… baka ako na lang gumawa ulit.” dagdag pa niya. 

Netizens’ Comments

Sa ngayon, nananatiling abala ang ilang miyembro ng Team Payaman sa kanilang personal na buhay at iba’t ibang proyekto sa labas ng YouTube. 

Habang wala pang katiyakan kung kailan muling maglalabas ng vlog sina Cong at iba pang miyembro ng Team Payaman, malinaw sa kanilang pahayag na kasalukuyan silang nakatuon sa pahinga, mental health, at paghahanap ng bagong direksyon para sa kanilang content.

Samantala, inulan naman ng mga positibong komento at pagbati si Cong ngayong naibahagi na n’ya ang kanyang saloobin pagdating sa vlogging.

@mikoyd3rd23: “Once a team payaman always a team payaman!! let’s go mga paa!! pawer!! Kwek kwek!!”

@chingrenzmochi “Abangan ka namin ulit Bossing Cong. Pansin ko hindi ka pa ganun ka confident ulit sa camera. Pero aabangan namin pagbabalik mo”

@jeffersonroman-e4u: “Tama naman si Mossing halos pare pareho na ang mga content

aabangan ko ang pag level up ng vlog mo”

@janlouisemakiling3474: “Madami na kasing bago. Bilang isa sa mga nauna sa vlogging, ayaw na ni Cong maglabas ng video na walang sense or quality. Take your time Boss Cong”

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Team Payaman’s Boss Keng Launches Playhouse Pickle in Bacoor, Cavite

Isang bagong pasilidad para sa mga mahihilig sa pickleball ang binuo ng Team Payaman vlogger…

6 hours ago

Cong TV Captures Hearts with Aaron Oribe’s Journey in Latest Vlogs

Isang nakakaantig na pangyayari ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Cong TV sa…

19 hours ago

Tokyo Athena Charms Netizens With Adorable Mulan-themed Photoshoot

Wala na namang mapaglagyan ng gigil ang mga netizens sa overload cuteness na hatid ng…

23 hours ago

Get Creative and Start Building with TP Kids’ All-New Building Blocks

As kids grow older, they crave fun and memorable bonding moments without spending the entire…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Spends a Day in the Life as a ‘Sepulturera’

Isa na namang kakaibang karanasan ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez…

1 day ago

Jai Asuncion Explores Taiwan’s Street Food in Ximending Night Market

Isa na namang nakakagutom na adventure ang ibinahagi ni Jai Asuncion sa kanyang bagong YouTube…

2 days ago

This website uses cookies.