Team Payaman’s Kidlat Embraces Viral TikTok Challenges

Talagang sumisigla ang mundo ng Team Payaman dahil sa presensya ng kanilang mga little members na binubuo nina Kuya Mavi, Alona Viela, Kidlat, Isla Boy, Baby Ulap at Baby Tokyo.

Si Kidlat, ang panganay na anak ng PAA-wer Couple na sina Cong TV at Viy, ay isa sa talaga namang all-out ang cuteness dahil sa kanyang “memeable moments,” na patuloy na nagpapasaya sa social media dala ng kanyang mga video na nagbibigay ng good vibes sa netizens.

Good Job, Kidlat!

Isa sa mga pinaka-tumatak na video ni Kidlat ay noong sinubukan nina Mommy Viy Cortez-Velasquez at Daddy Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV,  sa kanya ang “Kindness Challenge” na naging viral sa TikTok. 

Sa challenge na ito, sinusubok ng mga magulang ang socio-emotional skills ng kanilang anak sa pamamagitan ng pag-alok ng pagkain at tinitingnan kung handa silang magbahagi. 

Talagang pinatunayan naman ni Kidlat ang kanyang pagiging isang mabait at mapagbigay na Kuya, na labis na hinangaan ng mga manonood.

Hindi nga nagkamali ang mga komento ng netizens na talaga namang nagpapatunay sa kanyang kabutihan:

Penelope Caacbay: “Very good, Kidlat! Sharing and giving ay nagsisimula sa magulang and everything else will follow. Good example.”

Ianne Rabago Macadaeg: “Bait ni Kidlat natural na generous siya… he will grow up just like his parents.”

AdNag Lynn: “Good job kuya Kidlat! You know how to share, especially that you’re kuya already… Kudos to Mama Viy and Daddy Cong”

Ihataw Mo!

Higit pa sa pagiging adorable, sweet, at mapagbigay na Kuya, isa pa sa mga dahilan kung bakit kinagigiliwan ng madla si Kidlat ay ang kanyang mga TikTok videos kasama ang kanyang mga “angels” na sina Mama Acar, Ate Lanie, at Ate Analyn.

Ang pagsayaw sa TikTok ay naging isa sa kanilang nakakaaliw na bonding activity. Ilan sa mga tumatak na TikTok trends na kanilang sinubukan ay ang “Simpleng Tao Challenge,” ang “Supernatural” ni Ariana Grande, at maging ang isang masiglang “Dance Break” kung saan ginaya nila ang ‘dancing diva’ ng TP na si Mau Anlacan.

Kitang-kita ang energy at pagiging aktibo ni Kidlat sa kaniyang paghataw, kaya naman tuwang-tuwa ang netizens sa kanilang mga online videos.

Patuloy na naghahatid ng positive energy si Kidlat sa online community sa pamamagitan ng kanyang mga content na puno ng good vibes. 

Kayo mga Kapitbahay, what’s your favorite adorable Kidlat TikTok trend entry?

Angel Asay

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

8 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

19 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

This website uses cookies.