Isang espesyal na gabi ng musika at selebrasyon ang naghihintay sa mga taga-suporta ng content creator na si Sachzna Laparan ngayong Mayo.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magdaraos si Sachzna ng isang free birthday concert na bukas sa publiko, na gaganapin sa darating na May 24, 2025, sa The Tent, Las Piñas.
Hindi isang ordinaryong birthday party ang inihanda ni Sachzna. Sa halip na isang private gathering, pinili niyang ibahagi ang kanyang kaarawan sa mas malaking audience.
Ang buong konsepto ng #SachznaBDayBash2025 ay nakasentro sa music festival vibe—kumpleto sa live performances, stage production, at special guest appearances.
Sa kanyang opisyal na social media post, inanunsyo ni Sachzna ang kanyang pagkagalak sa nalalapit na event.
Tinawag niya itong “The Biggest Free Birthday Concert of the Year” at tiniyak sa kanyang followers na magiging isang coachella-inspired celebration ito.
Isa sa mga inaabangan sa event ay ang mahaba at makulay na lineup ng mga performers. Tampok sa nasabing birthday concert ang ilan sa mga kilala at tinitingalang pangalan sa local music industry.
Kabilang sa mga pangunahing acts sina Arthur Nery, Ryannah Julia, Mrld, Loonie, Oside Mafia, ACDMNDS, HELLMERRY, LO KI, Psychedelic Boyz, Paul N Ballin, GUDDHIST, KIYO, ZAE, Jelai & Buboy, Roy Henley, JB Bacallan, Haring Manggi, Just Hush, Alisson Shore, Abra, Supafly, Silent Sanctuary, DJ Sangyod, at marami pang iba.
Para sa mga nais dumalo, i-scan lamang ang QR code sa litrato sa ibaba upang magparehistro at makakuha ng libreng ticket.
Laughtrip na naman ang hatid sa netizens ng pinakabagong YouTube upload ni Cong TV kung…
Muling nag-krus ang landas ng Team Payaman vlogger na si Yow Andrada at comedic actor…
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng Team Payaman cook na si Jaime Marino de Guzman,…
The holidays are almost here, and a touch of cheerful color on your lips is…
Bilang pagdiriwang ng kanyang 7 million subscribers milestone, isang simple ngunit makabuluhang selebrasyon ang inihanda…
Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Jaime De Guzman, a.k.a. Dudut Lang, hindi lang ang…
This website uses cookies.