Ninong Ry Takes on Swedish Delicacies: Feast or Flop?

Isang panibagong episode muli ng “Ninong Ry Tries” ang hatid ng Team Payaman chef na si Ninong Ry.

Matapos matikman ang iba’t-ibang delicacies mula sa mga bansang kanyang nabisita, Swedish snacks naman ang taas noo n’yang binigyan ng hatol sa kanyang bagong vlog.

Ninong Ry Tries Sweden

Sa kanyang bagong YouTube upload, ginutom ni Ryan Morales, a.k.a Ninong Ry, ang mga manonood sa bagong episode ng kanyang ‘Ninong Ry Tries’ serye.

Swedish snacks naman ang kanyang sunod na tinikman at hinusgahan base sa lasa at itsura ng mga ito. 

Ayon sa kanya, pasalubong mula sa kanyang mga tagapanood ang mga Sweden snacks na kanyang titikman.

Una na n’yang sinubukan ang Swedish candies na ayon kay Ninong Ry ay parang mga minatamis mula sa isang sikat na candy store sa bansa.

Bagamat diabetic si Ninong Ry, binigyan nya pa rin ng pagkakataon ang sarili na masubukan ang nangungunang Swedish delicacy sa kanyang listahan.

“Hindi masyadong matamis. Mas chewy s’ya kaysa sa counterpart n’ya sa Pilipinas,” komento n’ya.

Sunod naman sa kanyang listahan ay ang Gottmix o isang paketeng puno ng mga matatamis na Swedish chocolates.

Ang nasabing pakete ng Gottmix ay mayroong caramel, chocolate, at milk-chocolate bars.

Hindi rin pinalampas na matikman ni Ninong Ry ang mga ipinagmamalaki na chocolate wafers, biscuits, chichirya, at pastry bars ng mga taga-Sweden.

Bukod sa mga pang-meryenda, nakatanggap din si Ninong Ry ng ilang mga pang-rekados sa pagluluto gaya ng Knorr Meat Cubes, marinating powders, at marami pang iba.

Kanyang ginamit ang mga natanggap upang makapagluto ng Meatballs —isang sikat na putahe sa mga Swedish.

Netizens Comments

Marami naman sa mga manonood ni Ninong Ry ang natuwa nang subukan nitong tikman ang ilan sa mga ipinagmamalaking delicacies mula sa Sweden.

@miraneboo989: “Gusto ko talaga manood ng mga episodes mo Ninong Rye habang naliligo, naglalaba at naghuhugas ng plato kesa manood ng ibang shows. Bakit? kasi di ko kailangan tumutok sa screen. Kahit may ginagawa po ako basta marinig lang kita nagsasalita, naiimagine ko na. May humor din kasi at may natututunan din at the same time. Thank you po Ninong Ry!”

@orenjinijii: “Thanks, Ninong for trying Sweden!!!! From an inaanak who lives in Sweden atm. Your videos are a taste of home and pag naho-homesick ako, ikaw pinapanood ko haha. Keep it up ninong and team!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

‎Team Payaman’s Clouie Dims and Chino Liu Share Their First Head Spa Experience

‎ Isang super relaxing na 'SPAdventure' ang ibinahagi ni Clouie Dims sa kanyang pinakabagong YouTube…

2 days ago

Team Payaman’s Boss Keng Launches Playhouse Pickle in Bacoor, Cavite

Isang bagong pasilidad para sa mga mahihilig sa pickleball ang binuo ng Team Payaman vlogger…

3 days ago

Cong TV Captures Hearts with Aaron Oribe’s Journey in Latest Vlogs

Isang nakakaantig na pangyayari ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Cong TV sa…

4 days ago

Tokyo Athena Charms Netizens With Adorable Mulan-themed Photoshoot

Wala na namang mapaglagyan ng gigil ang mga netizens sa overload cuteness na hatid ng…

4 days ago

Get Creative and Start Building with TP Kids’ All-New Building Blocks

As kids grow older, they crave fun and memorable bonding moments without spending the entire…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spends a Day in the Life as a ‘Sepulturera’

Isa na namang kakaibang karanasan ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.