Meet “BOOM BOOM:” Team Payaman’s Youngest Beyblader

Maalalang nitong Marso ay dumalo ang Team Payaman Wild Dogs sa kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las Piñas, kabilang na rito ang mag-amang sina Junnie Boy at panganay na si Von Maverick, a.k.a Kuya Mavi.

Kilalanin kung sino nga ba si “BOOM BOOM” at ang tunghayan ang mga tagpo sa kanyang first-ever beyblade tournament experience.

The Birth of BOOM BOOM

Sa  “BLEYDANS” YouTube vlog ni Junnie Boy noong Abril, una niyang ipinakilala ang anim na taon na anak bilang “the new gen beyblade master.” Nagpakitang gilas naman si Kuya Mavi ng kanyang galing sa pagbe-beyblade.

Sa pinakabago namang YouTube vlog ni Junnie ay ibinahagi niya ang pinaka-unang Beyblade Tournament experience ng kanyang panganay.

Noong tinanong kung ano ang bladers name ng kaniyang anak, tanging sagot nito ay “BOOM BOOM.”

Kasi banggaan ‘yun pards eh. Gusto niya kasi nawawasak ‘yung beyblade ng kalaban niya,” depensa naman ni Tito Bok sa napiliging bladers name ni Mavi. 

Kumasa si BOOM BOOM sa halos anim na rounds sa Open Category ng Beyblade Tournament at kinalaban ang iba pang beybladers na 12 taong gulang pababa at pataas.

Sa pinakaunang round nito ay hindi siya pinalad at tambak ng kalaban, 4-0. Subalit, nakabawi pa siya sa ikalawang round. Matapos nito ay sunod-sunod na ang mga talo hanggang sa ma-out. 

Sportsmanship at its Finest

Isa sa ikinatuwa ng mga netizens ay ang sportsmanship ni Kuya Mavi kung saan siya ay nakikipag-kamay, high five, at handshake sa lahat ng kanyang mga nakakalaro, manalo man o matalo. 

Okay lang, bawi next game, kuya,” suporta ng mga tito niyang TP Wild Dogs.

Minamarkahan ko ‘yung mga tumatalo kay Mavi eh. Mavs, ibabawi kita,” biro naman ni Daddy Junnie.

Sa huli, nagwagi si Junnie Boy sa 7th place at nakapag-uwi ng bagong beyblade para kay Kuya Mavi.

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

17 hours ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

17 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

4 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

5 days ago

This website uses cookies.