The Sweetest Mother’s Day Messages Penned for Team Payaman Moms

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang Team Payaman members sa kanilang pangmalakasang Mother’s Day greetings.

Tunghayan ang mga tagos-sa-pusong pagbating hatid ng mga anak, asawa, at kapamilya ng Team Payaman moms na pumukaw sa damdamin ng mga netizens.

Sweetest Messages

Isa ang “Araw ng mga Ina” sa mga hindi pinalampas na ipagdiwang ng Team Payaman bilang pagkilala sa mga sakripisyo ng mga natatanging ina sa nasabing grupo.

Bukod sa mandatory dinner, ilan sa mga miyembro ng Team Payaman ang nagpahatid ng kanilang pagbati para kina Mommy Jovel, Mommy Viy, Mommy Pat, at Mommy Vien.

Una na ang simple ngunit nakakaantig na pagbati ni Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kuya Kidlat sa kanyang Mommy Viy sa pamamagitan ng isang art piece sa tulong ng kanyang Teacher Faye. 

“I love you anak!” pasasalamat ni Mommy Viy sa panganay.

Hindi rin nagpahuli sina Junnie Boy at Boss Keng sa kanilang sweet at puno ng kalokohang pagbati sa kanilang mga misis.

Daddy Junnie: “Happy Mother’s Day, [Mommy] Vien. Ipagpatuloy mo lang ang magandang liwanag na dala mo sa munting tahanan natin. Ako na bahala mag padilim sa kwarto! Mahal ka namin ng mga bata!”

 

Isang sunflower bouquet naman ang hatid nina Boss Keng at Isla Patriel kay Mommy Pat Velasquez-Gaspar na kanyang ikinatuwa.

Hindi rin nagpahuli ang haligi ng tahanan ng pamilya Velasquez na si Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout sa kanyang pagbati sa kanyang maybahay na si Mommy Jovel, mga manugang at anak na si Pat.

“Happy Mother’s Day sa pinakamamahal kong [mga] Nanay sa mundo kung saan nagbigay ng anak at apo sa aking buhay. I love you all!”

At syempre, hindi rin nagpahuli ang magkapatid na Ivy Cortez-Ragos at Yiv Cortez sa pagpapahatid ng kanilang mensahe para sa kanilang ina na si Mrs. Imelda Cortez ngayong araw ng mga ina.

“Happy Mother’s Day sa Mama ko, sa mama nila, and sa Mama niyo!” pagbati ni Yiv.

“Maraming salamat po sa lahat, Ma! Sa paghihirap mo sa amin noong mga bata pa kami, sa pagtatyaga sa lahat Ma. I love you po!” ani Ivy.

Touching Comments

Matapos mabasa ang ilan sa mga nakakakilig na pagbati ng Team Payaman members sa kanilang mga Ina, Nanay, at Asawa, ipinahatid din ng mga taga-suporta ang kanilang mensahe para sa TP moms.

Sean Christopher Agnis: “Happy mother’s day po, TP mommies!”

Cecilia D. Baltar: “Happy Mother’s day!”

Maria Shaira Acebuche: “Happy Mother’s Day!!”

Maligayang araw ng mga ina sa ating mga mabubuti at mapagmahal na mga Nanay!

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.