Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Alona Viela’s Summer Activities

Ngayong summer, todo suporta ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagdiskubre ng bagong interes ng anak niyang si Alona Viela I. Velasquez.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi niya ang mga trial classes na sinubukan ni Viela, pati na rin ang kauna-unahang school trip ng kanyang anak.

Summer Explorations

Ngayong bakasyon, naging layunin ng mom of two na si Vien Iligan-Velasquez na matukoy kung anong klase ng extracurricular activity ang pinaka angkop sa bunso nila na si Viela. 

Bagama’t sinubukan muna nila ang ballet, mas nakitaan niya ng potensyal ang anak pagdating sa gymnastics. 

Kwento ni Mommy Vien, likas na maligalig at aktibo si Viela kung kaya’t tila mas nahihilig ito sa mga physical activities gaya ng pagtakbo at pagtalon.

Bukod pa rito, mas pabor siya sa gymnastics dahil mas maraming batang nakakasalamuha ang kanyang anak kumpara sa ballet na duo setup.

“Yung ballet niya, iba ‘yung steps na ginagawa niya. Kaya parang ligwak siya sa ballet. At saka, ang problem pala namin, duo kaming dalawa, kasi nga two years old pa lang siya. So magiging solo lang siya kapag four [years old na],”  kwento ni Mommy Vien.

“Eh ngayon, dahil duo, wala pa daw masyadong nag-e-enroll ng duo. Mag-isa lang kami. Isa lang kami doon sa session. [Hindi] katulad nitong gymnast, marami siyang kahalubilong bata.” Dagdag pa nito.

Isa pang consistent na activity ni Viela ay ang paglalangoy. Ayon kay Mommy Vien, parte na ng weekly routine ng magkapatid na Mavi at Viela ang kanilang swimming lessons, na itinuturing niyang mahalagang survival skill para sa mga anak.

Viela’s First Exposure Trip

Hindi lang mga indoor activities ang na-experience ni Viela, dahil sa vlog ay ipinakita rin ang kanyang first ever exposure trip sa Yoki’s Farm kasama ang kanyang mga magulang na sina Daddy Junnie at Mommy Vien.

Kasama si Teacher Faye mula sa kanyang homeschool program, nakasama rin sa educational trip ang kanyang dalawang pinsan na sina Kidlat, Isla, pati na rin ang ibang homeschool kids.

Netizen’s Comments

Samantala, umani ng maraming reaksyon at papuri mula sa mga netizens ang latest vlog ni Mommy Vien.

@shielabuenaventura0301: “Grabe, si Vien talaga ‘yung vlogger na nakaka-inspire ang buhay kahit naging mommy na.”

@Mica0842: “Ang cute. Tama yan. I-expose sa mga sports ang bata para [ka]pag nagustohan niya, dun [siya] mag [fo]-focus.”

@JojiStaMaria-nz9hi: “Ang calming ng vlog mo, ate Vien. Featuring your kids.”

@kennycornkid: “May potential naman sa ballet, eh… ‘yung tatay (Daddy Junnie).”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Clouie Dims Explore Vietnam’s Must-Try Foods with Team Payaman Girls

Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…

4 hours ago

BEHIND THE SCENES: Team Payaman Fair 2025 VIYond The Beat Photoshoot

Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…

1 day ago

Ivy Cortez-Ragos’ Daughter Celebrates 7th Birthday With a Bang

The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…

3 days ago

Strong Mind Foundation Third Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Wows Followers with Her Vietnam Travel Photos

Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…

5 days ago

A Fun Shopping Experience Awaits at VIYLine MSME Caravan Muntinlupa Leg

It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…

5 days ago

This website uses cookies.