Isang masayang quick trip ang ibinahagi ng Team Payaman member na si Clouie Dims sa kanyang bagong YouTube vlog, kasama ang kanyang longtime partner na si Dudut Lang at ang kanilang fur baby na si Bruno.
Sa kanyang vlog, ipinakita ng Team Payaman couple ang kanilang spontaneous trip sa Saud Beach sa Pagudpud, Ilocos Norte at sa Calle Crisologo sa Vigan, Ilocos Sur.
Nagsimula ang kanilang simpleng getaway bilang suporta sa ama ng kanilang malapit na kaibigan na si Abigail Capañano-Hermosada.
Habang nasa Norte, hindi na rin pinalampas ng grupo ang pagkakataong mag-side trip sa Saud Beach, Pagudpud.
Kasama ang ilan pang miyembro ng Team Payaman na sina Vien Iligan-Velasquez, Chino Liu a.k.a “Tita Krissy Achino”, Kevin Hermosada, at ang unang beses pa lang nakakapunta sa Ilocos na si Coach JM Macariola.
Pagdating sa Pagudpud, agad nilang sinubukan ang malamig na dagat kasama ang fur baby na si Bruno, na tila hindi komportable sa tubig.
“Ayaw kasi talaga ni Bruno ng tubig. So, takot na takot siya dito.” Kwento ng fur mommy na si Clouie.
Matapos ang mabilis na pagbisita sa Pagudpud, nagtungo naman sila sa Vigan, partikular sa Calle Crisologo, kung saan ipinakita nila ang makasaysayang lugar. Para kay Coach JM Macariola, ito ang unang pagkakataon niya na makapasyal sa nasabing lugar.
Samantala, sina Clouie at Dudut ay binalikan ang kanilang mga alaala mula sa kanilang huling pagbisita rito mahigit isang dekada na ang nakalilipas.
Watch the full vlog below:
https://youtu.be/kDjDaLff49k?si=JA5AmsErgrSfzEh8
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…
This website uses cookies.