Angeline Quinto Releases New Single “Being With You”

Isang tagos sa pusong awitin ang hatid ng Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto.

Alamin ang kwento sa likod ng kanyang bagong awiting pinamagatang “Being With You” at kung saan ito pwedeng mapakinggan.

Being With You

Kilala ang singer at aktres na si Angeline Quinto sa kanyang galing sa pagkanta at pagsusulat. Nakilala s’ya sa kanyang mga hit singles na “Patuloy Ang Pangarap” at “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin” na talaga namang tumatak sa masa.

Bago matapos ang buwan ng Abril, isang comeback single ang inihandog ni Angeline para sa kanyang mga taga-suporta.

Ang nasabing kanta ay pinamagatang “Being With You.” Ito ay sumisimbolo sa walang hanggang pagmamahal at pagkakaroon ng kakuntentuhan sa buhay.

Sa isang Instagram reel, una nang ginamit ni Angeline ang kanyang kanta bilang background song kalakip ang video clip kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Nang mapakinggan ng mga taga-suporta ni Angeline ang kanyang bagong kanta, ipinahatid ng mga ito ang kanilang naramdaman sa nasabing awitin.

@jjampong2009: “Ang ganda ng song! LSS!”

“Kumanta ka na naman ng mahirap abutin sa videoke,” biro ng isang fan.

Stream Now

Sumasalamin ang kantang ibinahagi ni Angeline sa isang masaya at puno ng pagmamahalang relasyon sa iyong asawa, kaibigan, pamilya, o hindi naman kaya’y mga anak.

Huwag palampasin ang pagkakataong mapakinggan ang bagong awiting handog ni Angeline Quinto.

Mapapakinggan na ang “Being With You” sa lahat ng streaming platforms gaya ng YouTube Music, Spotify, at marami pang iba!

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.