Team Payaman Kids Explorers: Here Is Why An Exposure Trip is Good for Kids

Sa isang mini vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Mommy Viy Cortez-Velasquez ang exposure trip experience ng kanilang panganay na si Zeus Emmanuel, a.k.a Kidlat.

Alamin kung bakit nga ba mahalaga para sa mga bata ang pagkakaroon ng ganitong klaseng mga aktibidad.

TP Kids’ Fun Day Out

Kwento ni Mommy Viy, nagpunta ang kanilang pamilya sa Yoki’s Farm, isang orchidarium, hydroponics farm, museum, and animal sanctuary, bilang parte ng summer activity na inihanda ng homeschool teacher ni Kidlat na si Teacher Faye Hernando. 

Kasama nilang pumunta rito ang iba pang homeschool students ni Teacher Faye pati ang mga magulang nito, gaya na lang ng bunso nina Junnie Boy at Vien na si Alona Viela, at panganay nina Boss Keng at Pat Gaspar na si Isla Patriel.

Kwento naman ni Mommy Viy, hindi muna nila kasama si Baby Tokyo dahil masyado pa siyang bata para sa ganitong aktibidad. 

Ngunit, ibinahagi rin niya na hindi na sila makapaghintay na mai-gala si Tokyo at  mabalikan na lang nila ang lugar sa tamang panahon. 

Talagang nakaka-excite kapag dalawa na sila. Lahat ng mga pinuntahan natin na pinakita natin kay Kidlat, babalikan natin ulit,” ani Mommy Viy sa kaniyang asawa na si Lincoln Velasquez, a.k.a Daddy Cong.

Isa sa ikinatuwa ng TP Kids ay ang makakita ng iba’t ibang uri ng farm animals kagaya ng Zebra, Ostrich, Gorilla, Piglets, at marami pang iba, pati na rin ang pagpapakain sa mga ito.

Kuya, pagsama samahin lahat [ng farm animals] sa isang lugar,” biro ni Daddy Cong.

Kita naman sa mga photo at video updates ng mga TP Parents ang saya ng mga magpipinsan sa kanilang naging day trip.

Exposure Trip

Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng exposure trip ay mahalaga para sa development ng isang bata. 

Maliban sa masayang karanasan at pagbuo ng panibagong mga alaala, ito rin ay mabisa sa pagpapahusay ng kanilang communication skills, social skills, at aplikasyon ng kanilang theoretical knowledge to interactive events and real-world experiences.

Sa kaniyang Instagram story, nagpaabot naman ng pasasalamat si Teacher Faye sa active participation ng kaniyang mga estudyante pati na rin ng kanilang mga magulang sa kabila ng mainit na panahon.

Had so much fun with everybody! Thankful for this day out. Enjoyed seeing the kids enjoying, and the parents too,” mensahe ni Teacher Faye.

Watch the full video below:

Alex Buendia

Recent Posts

Ivy Cortez-Ragos’ Daughter Celebrates 7th Birthday With a Bang

The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…

4 hours ago

Strong Mind Foundation Third Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Wows Followers with Her Vietnam Travel Photos

Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…

2 days ago

A Fun Shopping Experience Awaits at VIYLine MSME Caravan Muntinlupa Leg

It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…

2 days ago

Why Yno’s Latest Single ‘Because’ Has Netizens Talking?

Bukod sa pagpapatawa at paggawa ng mga viral content online, ipinapakita rin ni Anthony “Yow”…

2 days ago

Boss Keng Shares What It Takes to Be a Motivational Dad

Bukod sa pagiging content creator at mapagmahal na asawa, muling ipinamalas ni Boss Keng ang…

3 days ago

This website uses cookies.