Kamakailan lang ay lumipad pa Vietnam ang content creator na si Jai Asuncion upang mamasyal at mag-enjoy.
Bukod dito, #cravingssatisfied din s’ya sa kakaibang foodtrip na kanyang hatid matapos ang kanyang 7-11 Vietnam mukbang.
Sa kanyang bagong vlog, hatid ni Jai Asuncion ang ultimate Vietnam fever nang magbahagi siya ng ilan sa mga ipinagmamalaking pagkain na eksklusibong matatagpuan sa nasabing bansa.
Parte na ng kanyang paglilibot sa iba’t-ibang bansa ang pagsubok sa mga pagkaing matatagpuan sa mga convenience stores gaya na lamang ng kanyang ginawa sa Japan at South Korea.
Isinama ni Jai ang kanyang mga manonood sa pamimili at pag-iikot sa loob ng isang 7-11 branch sa Vietnam.
“Ito na s’ya! Sobrang ganda. Ang laki ng 7-11 dito guys,” kwento ni Jai.
Laking tuwa ni Jai nang makita ang sukat ng nasabing 7-11 branch at ang dami ng kanyang mga pagpipilian.
“Sobrang daming options, sobrang laki n’ya!” ani Jai.
Dali-dali itong namili ng mga pagkaing kanyang ibabahagi sa kanyang mga manonood kung sakaling bibisita ang mga ito sa Vietnam.
Masayang sinimulan ni Jai ang kanyang mukbang dahil ayon sa kanya, may mga pagkain s’yang nabili na ngayong pa lamang n’ya masusubukan.
Ilan sa kanyang mga sinubukan ay ang Cheesy Tteokbokki, Thit Kho, Ebi Burger, at marami pang iba.
Hindi rin n’ya pinalampas na makasubok ng ilan sa mga authentic Vietnamese snacks gaya ng mga chichirya, at mga tinapay.
Tanging napansin ni Jai sa kanyang mga nakain ay karamihan sa mga ito ay maaanghang.
Aniya, nais pa n’yang bumalik sa Vietnam upang masubukan pa ang iba pang mga putaheng ipinagmamalaki ng mga nakatira rito.
Watch the full vlog below:
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
This website uses cookies.