Baby Tokyo Celebrates 1st Month With A Cute Snow White-Themed Photoshoot

Isang buwan na ang nakakalipas nang ipanganak ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanilang unica hija na si Baby Tokyo Athena.

Silipin ang nakakatuwang first milestone photoshoot nina Kuya Kidlat at Baby Tokyo na talaga namang kinagigiliwan ng mga netizens.

Snow White and The Dwarf

Umani ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens ang Facebook post ni Mommy Viy Cortez-Velasquez na naglalaman ng mga litrato ng kanilang bunso na si Tokyo Athena. 

Kagaya ni Kuya Kidlat, nais rin nina Mommy Viy at Daddy Cong na matunghayan ang mga pagbabago sa kanilang bunso sa pamamagitan ng monthly photoshoot na hango sa mga Disney Princesses, sa tulong The Baby Village Studio.

Para sa kanyang unang buwan, nagbihis Snow White si Baby Tokyo suot ang kanyang cute dress na tinernuhan pa ng ribbon bilang kanyang head piece. 

Isang Snow White-inspired cake rin ang regalo ng excited parents para sa selebrasyon ng unang buwan ng kapanganakan ni Baby Tokyo.

Bukod kay Baby Tokyo, game na game ring nakisaya si Kuya Kidlat sa nasabing photoshoot, na gumanap bilang isang dwarf.

“Happy 1 month baby sister!” aniya sa isang Facebook post.

Cute Reactions

Marami sa mga taga-suporta ng Team Payaman ang natuwa sa mga litrato nina Kuya Kidlat at Baby Tokyo na ibinahagi nina Mommy Viy.

Zanzan Rubite-Chua: “Galing kamukang kamuka ng mommy Viy!”

سگگخڀطڪئدل هدجدلفمفڪ منگ ئفلفڪو: “Happy 1month Baby Tokyo!”

Mylen Remolacio: “[So] adorable!”

Mhay Bamba: “Ms.Viy, hawig na hawig niyo po si Baby Tokyo!”

Jean Zabala: “So cute naman ni Tokyo!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

8 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

18 minutes ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

This website uses cookies.