Zeinab Harake Proudly Shares Daughter’s Birthday Shoot BTS

Sa bilis ng panahon, hindi na namalayan ng mga netizens na ito na ang ika-apat na kaarawan ng bunsong anak ng content creator na si Zeinab Harake na si Bia.

Tunghayan ang mga tagpo at preparasyon ng Team Zebby para sa kaabang-abang na selebrasyon ng kaarawan ng kanyang little princess.

Birthday Shoot

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Mommy Zeinab Harake ang mga kaganapan sa likod ng kanilang preparasyon para sa ika-apat na kaarawan ni Zebbiana Harake, a.k.a Bia.

Bakas sa ngiti ng mag-ina ang tuwa at kagalakan sa nasabing birthday photoshoot na kung saan hango ito mula sa iba’t-ibang mga tema. 

Una nang inayusan si Bia sa tulong ng glam team ni Zeinab. Hands-on rin ang excited mommy at nakiisa rin s’ya sa pag-aayos ng makeup look ng kanyang mini me.

Sa gitna ng kanilang pag-aayos, excited na ipinasilip ni Mommy Zeinab sa kanyang fiancé na si Ray Parks Jr. ang look ni Bia.

“Wow, you’re so pretty!” pagbati ni Daddy Ray kay Bia.

Puno ng saya at adventures ang nasabing shoot dahil game na game sa Bia na pumustura sa harap ng camera.

“I look like Cinderella!” ani Bia nang makita ang kanyang histura.

Para sa kanyang huling layout, nagsama sina Mommy Zeinab at Bia at gumanap bilang mga Goddesses.

 

Excited Zebbies

Gaya ni Mommy Zeinab, marami rin sa kanilang mga taga-suporta ang nagagalak na sa selebrasyon ng kaarawan ni Bia.

@JoshMalgapo: “Ang bilis ang online pamangkin namin turning 4 na! Happy birthday baby Bia! We wish you good health. Stay a happy pill to us and to your family! We love you Bia!

@JaybertRazonVlog: “Ang bilis ng panahon, 4 years old na agad si Bia! So cute! Happy Birthday Bia!”

@cristinelibotano7128: “Happy birthday, Bia. Super pretty like your mommy Zeb! God bless you!”

@jaymaimasequito7383: “Happy birthday baby bia! Napaka gandang bata maayos pagpapalaki sa kanya grabe kamukha ng mommy nya!

@mylynpines715: “Happy birthday satin dalawa, Baby Bia! Kahit hindi na ako mag celebrate panoorin ko na lang tong vlog ni mommy Z, masaya na ako!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.