Nagbalik si Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout, sa YouTube upang ipasilip ang kanyang buhay matapos ang pagreretiro.
Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ng Padre de Pamilya ng mga Velasquez ang kanyang araw-araw na buhay sa farm kasama ang kanyang asawa na si Jovel Velasquez, a.k.a. Mama Revlon.
Sa gitna ng maambon na panahon, ipinakita ni Papa Shoutout ang kanilang bukid na puno ng iba’t ibang mga pananim gaya ng buko, okra, talong, sili, upo, kalabasa, saging, at iba pa. Kwento niya, ito na ang nagpapasaya sa kanila ngayon lalo na’t senior citizen na siya.
Bukod sa kanilang mga pananim, inaalagaan din nila ang ilan sa mga aso at manok, partikular na ang Rhode Island breed.
Sa nasabing vlog, inimbitahan niya ang mga interesadong mag-breed ng manok na makipag-ugnayan sa opisyal na Facebook page Mavs Farm para sa murang pagbili ng mga ready-to-lay na manok.
Hindi lang pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ang pinagkakaabalahan nila Papa Shoutout at Mama Revlon.
Ipinakita rin niya ang mga produktong ginagamit nila para mapanatili ang kalusugan at pagdami ng itlog ng mga alagang manok.
Kasama rito ang mga bitamina at gamot tulad ng Egg Pro Max, Egg 1000, Premoxil, at Vitamin Pro, na aniya ay subok na nila sa pagpapalakas ng kanilang mga alaga.
Isang espesyal na bahagi rin ng vlog ang pagpapakita ni Lola Jovel na abala sa pag-aani ng pechay. Ayon kay Papa Shoutout, hindi nila ibinebenta ang mga ito.
Sa halip, ipinapamigay nila ito sa mga anak o sinumang gustong kumuha, bilang paraan ng pagbabahagi ng biyaya mula sa kanilang masaganang bukid.
Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang pagkatuwa sa muling pagbabalik ni Papa Shoutout sa vlogging.
@jerwinllanes3246: “Papa Shoutout, parang atong ang datingan ah? Pawer sa’yo, more vlogs to come, God bless!”
@manuelespiritu8763: “Welcome back, Papa Shoutout! God bless po!”
@bryanbarba1347: “Welcome back papa shoutout! Swabe!”
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.