Boss Keng Shares Snippets of Kuya Isla’s Swimming Bonding with Mommy Pat

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, ibinahagi niya ang isang nakakatuwang kaganapan sa pamilya Velasquez-Gaspar.

Habang nag-i-enjoy ang pamilya sa isang araw ng swimming, ipinakita ng kanyang panganay na si Kuya Isla ang kanyang new-found hobby pagdating sa paglalangoy.

Certified Water Baby

Mula sa pagiging takot sa tubig, ngayon ay hindi na mapigilan si Isla sa paglangoy. Kwento ni Mommy Pat, dati’y naiiyak pa si Isla kapag nilulubog nila ito sa tubig, pero ngayon ay halos ayaw na n’yang umahon.

Makikita rin sa nasabing vlog ang pagiging hands-on mom ni Mommy Pat habang alalay niya si Isla sa paglalangoy.

Habang todo bantay sina Boss Keng at Mommy Pat, hindi rin nawala ang pag-aalala nila sa kalusugan ni Isla. Binanggit ni Mama Pat ang posibilidad na sipunin ito dahil sa matagal na pagbabad sa tubig.

Sa gitna ng kwentuhan, pabirong ikinuwento ni Mommy Pat ang inaasahan na niyang magiging reaksyon ng pediatrician ni Isla matapos ang outing. 

“Sabihin na naman ni Doktora, mabilis ang mikrobyo. Naku, ilan ba silang nag-swimming doon? Dapat, ano, sariling pool. Kasi maraming mikrobyo. ‘Di bale, gagamutin na lang.” biro ni Mommy Pat.

New Lifestyle

Bukod sa nakakatuwang moments nina Mommy Pat at Isla sa tubig, may mga kwento rin si Daddy Keng tungkol sa pagbabago ng kanyang lifestyle bilang ama. 

Ayon kay Daddy Keng, kung dati ay beer at hip-hop ang trip niya tuwing ihawan, ngayon ay kiddie shows na ang background music habang kasama ang kanyang mga anak.

“Pag ganitong mga ihaw, may beer, soundtrip nito mga hip-hopan na eh, ‘no? Pag may anak ka na, iba na pala. Dapat Flow G na tugtugan ko ngayon, eh.” kuwento ni Daddy Keng.

Watch full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.