Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Get Real About Being Second-Time Parents

Matapos ang matagal na paghihintay, masayang ibinahagi ng Team Payaman power couple na sina Viy Cortez-Velasquez at Cong TV ang ilan sa mga tagpo kasama ang kanilang bunso na si Baby Tokyo Athena.

Tunghayan ang makulay na simula ng bagong yugto sa buhay ng pamilya Cortez-Velasquez.

First Night with Baby Tokyo

Sa kanyang bagong vlog, ipinaslip ng ngayo’y mom of two na si Viy Cortez-Velasquez ang reyalidad ng pagkakaroon ng dalawang supling.

Una na nilang ikwinento ang unang gabi ng happy parents sa ospital kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Tokyo Athena. 

Ipinakita nila ang video clip kung saan nagising ang ngayo’y kuya na na si Kidlat dahil sa pag-iyak ni Tokyo. 

Ayon kay Viviys, habang tumatagal, nasasanay na si Kidlat at hindi na agad nagigising sa tuwing iiyak ang kapatid.

Kwento pa niya, pagbalik nila sa bahay, may pagkakataon na muling umiyak si Tokyo at nang marinig iyon ni Kidlat, bigla itong tumakbo dala ang pacifier para sa kanyang baby sister.

The Story Behind Kidlat’s Emotions

Hindi rin maitatanggi ang pagmamahal ni Kidlat sa kanyang bunsong kapatid. Ayon kina Mommy Viy at Daddy Cong, umaga pa lang ay hinahanap na agad ni Kidlat si Tokyo. 

Nang tanungin ang mag-asawang Cong at Viy tungkol sa reaksyon ni Kidlat nang makita si Tokyo, naniniwala ito na ang kanyang emosyon ay dala ng pagkabigla sa sitwasyon. 

“Pagpasok pa lang ng ospital, nakita niya palang sa labas, umiiyak na siya,” kwento ni Daddy Cong.

Nang makarating sila sa loob, nagulat si Kidlat sa dami ng tao, kaya’t iniisip ni Cong na isa ito sa dahilan ng pag-iyak ni Kuya Kidlat.

Sa kabilang banda, hindi rin sila nag-alala na makakaramdam ng selos si Kidlat dahil tinitiyak nilang mas marami siyang atensyon na makukuha mula sa kanila.

Dagdag ni Viy, naging mas bukas sila na hatiin ang atensyon nila bilang magulang. Habang nagpapadede siya kay Tokyo, si Daddy Cong naman ang ka-bonding ni Kidlat.

Life with Two Kids

Sa tanong kung ano ang pakiramdam ngayo’y dalawa na ang kanilang mga supling, ibinahagi ni Mommy Viy na ramdam na niya ang kasiyahan at sapat na raw sa kanya ang dalawang anak. 

Samantala, ang asawa naman niyang si Cong ay tila bukas pa sa posibilidad na madagdagan pa ang kanilang lumalaking pamilya.

Ikinuwento rin ni Viy na mas madalas na siyang nasa bahay ngayon, kaya mas marami siyang oras na naibibigay sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang mga anak.

Para kay Mommy Viy, ang pagpapadede kay Tokyo ang nagsisilbing pangunahing bonding nila. Bukod dito, excited din siya sa mga panahong pareho na sila ng damit, ng hairstyle, ng bag, at kulay ng sapatos.

Cong’s Approach to Parenting

Nang tanungin kung magiging overprotective bang ama si Cong kay Tokyo, inamin niyang hindi niya pa ito masasagot sa ngayon. 

Ngunit pagdating kay Kidlat, ikinuwento niya na naging overprotective siya lalo na tuwing may lumalapit na may sakit. 

Ayon kay Cong, dala ito ng pinagdaanan nilang mag-asawa noong unang dalawang taon ni Kidlat kung saan halos buwan-buwan silang nasa ospital. Kaya hanggang ngayon, alerto pa rin sila sa mga taong inuubo o may sintomas ng sakit. 

Watch full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.