Sa bagong vlog ng social media star at aktres na si Alex Gonzaga-Morada, handog niya sa netizens ang bagong pasilip sa kaniyang 4-year under-construction dream home.
Tunghayan ang mga pagbabago sa tahanang matagal nang pinapangarap nina Alex at ng asawa niyang si Mikee Morada.
Isang long-awaited house update ang hatid ni Catherine Gonzaga-Morada, a.k.a Alex sa kanyang recently-uploaded YouTube vlog.
Ayon kay Alex, hindi maiwasang magkaroon ng delays o pagkaantala ng paggawa ng kanilang bagong tahanan dala ng pandemya at ng kanilang busy schedules.
“Nagsimula ito [ng] 2021, tapos ang nangyari was nagkaroon ng pandemic. ECQ, GCQ… ang daming nangyari talagang mga delay-delay.” paliwanag ni Alex.
Bukod pa sa exclusive house tour, may sorpresang hatid si Alex sa mga manggagawa na aniya’y dahil sa matagal na construction ng bahay ay napalapit na sa kanilang pamilya.
“Napalapit na sila [construction workers] sa’kin dito… So, ngayon naisip ko dahil pamilya ko na rin sila… ipagluluto ko na lang sila. Mag-mu-mukbang tayo with my beloved construction workers.”
Habang inaayos ng kanyang mga kasama ang mga ihahain, inilibot naman muna niya ang mga manonood sa kanyang dream home.
Unang ipinasilip ni Alex ang kanilang kusina, na sinundan naman ng Masters’ bedroom, sala, at marami pang iba.
Kahit hindi pa tapos ang konstruksyon ay makikita na ang taglay nitong ganda na may moderno at eleganteng disenyo, dahilan upang mas lalong maging sabik si Alex na makalipat sa kanilang soon-to-be-new house.
Sa nasabi vlog, kasama rin ni Alex ang kanyang mga supportive parents na sina Mommy Pinty at Daddy upang gumabay at bumisita.
Ayon kay Alex, wala pa rin siyang tiyak na panahon kung kailan mabubuo ang kanilang tahanan. Gayunpaman, naniniwala siyang matatapos na rin ito sa tamang panahon.
Pagkatapos ng pagluluto at paghahanda ng meryenda, masaya rin nilang pinagsaluhan ang pansit at pandesal with corned beef ala Alex G.
Mas lalo namang napatibay ang kanilang bond sa mga manggagawa dahil sa kanilang kulitan at sayawan pagkatapos kumain.
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.