Talaga namang sa tipikal na pamilya, ang magkapatid ay may on-and-off na samahan. ‘Yan ang pinatunayan ng ultimate sibling duo ng Team Payaman na sina Kuya Mavi at Alona Viela.
Narito ang ilang adorable moments ng magkapatid na nahuli on-cam ng kanilang momma vlogger na si Mommy Vien Iligan-Velasquez.
Sa nakaraang video na inupload ni Mommy Vien sa kanyang social media accounts, good vibes ang naging hatid nito sa netizens.
Kitang-kita ang makulit na playtime ng kanyang panganay na si Von Maverick Velasquez, a.k.a Kuya Mavi, at bunso nitong si Alona Viela na pilit sinusuklay ang buhok ng kaniyang Kuya Mavi —dahilan upang magkaroon ng nakakatuwang hidwaan sa dalawa.
Nakakatuwang tignan ang naging reaksyon ni Kuya Mavi dala ng kanyang inis dahil nais din nitong mag-laro. Iyan ang pinagmulan ng kanilang chaotic “warlahan” na talagang kinaaliwan ng kanilang mommy.
Biro ni Mommy Vien, “Kung ganito ang magsusuklay sa iyo, layasan mo na lang .”
Marami namang momshies at mga manonood ang naka-relate sa shared Facebook video ng 27 years old momma vlogger.
“Para talagang si Viela yung anak ko, mas matapang pa sa kuya. Kawawa palagi ang kuya namin.”
“Parang mga anak ko na ito, mas matapang pa ang bunso sa Kuya hahaha! Relate akooo. Same age din ni Viela ang bunso ko (boy) at ang kuya niya (9yo), parang dehado pa ang kuya niya, para siyang boss!”
“Anak ko din, bunsong babae, mas matapang pa sa kuya. Yung kuya sasabihin na lang, ‘Pasalamat ka baby kita.’”
Nang minsang magkasakit ang panganay na anak ng TP couple na sina Mommy Vien at Junnie Boy, huli-cam naman ang pagiging adorable at caring na little sister ni Alona Viela sa kanyang Kuya.
“Hindi naman inuubo pero ita-tap likod mo,” hirit ni Mommy Vien. Kwento niya, “Nagkaroon silang magkapatid ng Mild Foot and Mouth Disease…”
Maraming netizens naman ang naantig sa sweet moment ng TP siblings na nag-iwan ng mga nakakatuwang mga komento:
“I love how Viela balances her attitude – “maldita pero mapagmahal at maalaga. Salute kina Kuya Junnie Boy at Ate Vien Iligan-Velasquez!”
“Ang sweet naman ng baby Viela na iyan. Kakapanood ko lang din noong isang araw ng mga videos nila na gusto niyang suklayan ang kuya niya hahahahaha. Nakakatawa ka, sweet mag-ask pero nang-aaway.. haha ganyan din ang dalawa kong anak, kapag makulit ang bunso talaga tapos tahimik lang ang kuya niya, no choice hahaha.”
What’s your favorite Kuya Mavi and Viela moments? Ibahagi na ‘yan, mga Kapitbahay!
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
This website uses cookies.