Doc Alvin Francisco Advocates For a Healthier Eating Habit

Hindi maipagkakaila na isa ang pagkain sa mga hilig ng mga Pilipino lalo pa’t isa ito sa mga nagpapatibay ng samahan ng pamilya o hindi naman kaya’y magkakaibigan.

Sa likod ng katotohanang ito, may ilang payo si Doc Alvin Francisco upang mapanatili pa rin ang ligtas na kalusugan sa pamamagitan ng pagkain.

Filipino Eating Culture

Sa kanyang bagong vlog, isang makabuluhang diskusyon pagdating sa tamang pagkain ang hatid ng resident Team Payaman Doctor na si Doc Alvin Francisco.

Bungad n’ya, kadikit na ng kulturang Pilipino ang pagkain ng iba’t-ibang putahe gaya na lamang ng Crispy Pata, Pritong Manok, at marami pang iba.

“Tayong mga Pilipino, sobrang hilig talaga natin sa masasarap na pagkain kasi form of family bonding [natin] ‘yan minsan,” aniya.

Dahil likas na sa mga Pinoy ang pagluluto at pagkain, may paalala lamang ang naturang medical vlogger pagdating sa mga pagkaing nabanggit.

Ayon kay Doc Alvin, karamihan sa mga hilig ng Pinoy ay ang mga pritong pagkain o hindi naman kaya’y mga processed food kung tawagin.

Bagamat napapatagal nito ang buhay at lasa ng pagkain, may babalang hatid si Doc Alvin patungkol sa negatibong epekto nito sa katawan.

“Ang downside ng mga ito is ‘yung preservatives, ‘yung mga nakasulat na ingredients. Hindi s’ya suitable sa lahat ng tao, lalo na ‘yung may mga diseases,” turo ni Doc Alvin.

Paliwanag pa niya, ang labis na pagkain ng ultra processed food ay kadalasang nagiging sanhi ng iba’t-ibang uri ng komplikasyon. 

“Minsan, nakaka-contribute pa sa hypertension lalo, tumataas pa masyado ‘yung sodium intake, tapos nagkakaroon din ng problema sa bato,” dagdag ni Doc Dex.

Eat Healthier

Upang maiwasan ang mga sakit na maaaring madulot ng pagkain ng processed food, may ilang payong hatid sina Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, at Doc Alvin.

“Kailangan mo lang talaga piliin ‘yung source of food mo. Mura talaga sa palengke eh,” kwento ni Dudut.

Dagdag pa nila, mainam na suriin ang mga nilalaman o ingredients ng pagkaing nais kainin. Huwag ding kalimutang sumubok ng healthier food options gaya ng pagkaing mayaman sa fiber at protein.

Panatilihin din ang pagkain ng tamang sukat ng gulay at prutas, at regular na page-ehersisyo upang mapanatili ang magandang kalusugan.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Netizens With IG-Worthy BKK Snaps

Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…

16 hours ago

Stay Fresh this ‘Ber Months’ with SNAKE Brand by Viyline

It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…

17 hours ago

Boss Keng Receives Heartwarming Greetings on His 33rd Birthday

Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…

3 days ago

Yiv Cortez Expands Business with the Launch of ‘Charms by Yiva’ Bracelet Line

From delicious homemade lasagna and sweet desserts, Yiv Cortez is now expanding her brand, YIVA,…

3 days ago

Ulap Patriel Marks 6th Month Milestone with Moana-Inspired Photoshoot

Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla…

3 days ago

Top 3 Viyline Cosmetics Products You Need This ‘Ber’ Season

Now that it’s finally the ‘ber’ season, it only means the holidays are fast approaching,…

3 days ago

This website uses cookies.