Four Times Pat Velasquez-Gaspar Proved the Value of Motherhood

“There is no way to be the perfect mother but there are a million ways to be a good one.”

Silipin ang ilan sa mga touching mom duties ng Team Payaman vlogger na si Mommy Pat Velasquez-Gaspar na nagpatunay ng kahalagahan ng pagiging isang ina.

Battle with PCOS

Pinatunayan ng Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa nang masundan pa ang kanilang unico hijo na si Isla Patriel, sa kabila ng kaniyang pakikipag-laban  sa PCOS o Polycystic Ovary Syndrome. 

Ang PCOS ay isang karaniwang hormonal condition na nakakaapekto sa mga kababaihan na maaaring maging dahilan ng paghihirap sa pagbubuntis. 

“PCOS couldn’t steal my dream. Now, I’m gifting my husband the family we’ve always wanted,” kwento ni Mommy Pat sa isa sa kanyang mga social media posts.

Pregnancy Power

Isang oras matapos matagumpay na ipanganak ang kanilang bunsong si Baby Ulap, nagpahayag si Mommy Pat ng paghanga sa mga kapwa niyang nanay sa pamamagitan ng isang nakakatawang video. 

Biro niya sa asawang si Boss Keng, maari na silang umuwi habang sinasambit ang sikat na punchline ng TikTok star na si Grace Tanfelix na “Okay na ‘to”.

“Ganun pala ang pakiramdam ng “ring of fire” sa panganganak. Wow talaga the power of a woman!,“ paghanga ni Pat sa mga kapwa niya ina.

Breastfeeding journey

Isa rin sa ipinagmamalaki ni Mommy Pat sa kanyang motherhood journey ay ang kanyang breastfeeding moments mula pa noon kay Kuya Isla hanggang ngayon para sa kanyang newborn na si Baby Ulap.

Ibinahagi niya sa kanyang social media accounts ang isang content na kung saan masaya itong nag-iipon ng fresh milk para sa kanyang bunso.

“One drop = one million warriors,” ani Mommy Pat.

Hindi naman pinalagpas ni Mommy Pat na pasalamatan ang kaniyang ina na si Lola Jovel para sa supply ng gulay sa kanilang family farm kung kaya’t sagana siya sa breast milk.

Ang breastfeeding ay normal na paraan ng pagbibigay ng sustansya sa isang sanggol upang lumaki at magdevelop bilang isang malusog na bata. 

Priceless Job

Para kay Mommy Pat, ang pagiging ina ay isa sa kanyang mga pinapangarap. Isa ang trabahong ito sa kanyang ine-enjoy at minamahal na gawin sa pang-araw-araw.

Makikita ito sa ilang mga random day in a life clips na ibinabahagi nilang mag-asawa sa kani-kanilang mga social media accounts. 

Isang halimbawa nito ay ang nakaraang weekend bonding ng Team Boss Madam, kung saan makikitang payapa niyang pinapa-suso ang bunso nilang si Baby Ulap. 

Alex Buendia

Recent Posts

Join Junnie Boy in His Ultimate Self-Care Relaxation Day

Ang bagong vlog ni Junnie Boy hatid ay isang relaxation day kasama ang mga kaibigan…

1 day ago

Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Enjoy a Quick Escape in Tagaytay

Napuno ng matatamis na tagpo ang quick getaway nina Boss Keng at Mommy Pat sa…

2 days ago

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

3 days ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

3 days ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

4 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

4 days ago

This website uses cookies.