Netizens Were Touched by Kuya Kidlat’s First Encounter with Baby Tokyo

Dumating na ang isa sa pinaka-inaabangang sandali para sa mga tagasuporta ng Team Payaman—ang pagsilang ng little princess nina Lincoln Velasquez a.k.a Cong TV, at Viy Cortez-Velasquez. 

Kaya naman kahit ilang araw pa lang nang isilang ang bagong miyembro ng pamilya nila Viviys, kitang-kita na ang pagmamahal ni Kuya Kidlat sa kanyang little sister na si Baby Tokyo.

Pure Sibling Love

Isa ngayon sa mga nagpa-antig sa puso ng mga netizens ay ang heartfelt reaction ni Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat, nang masilayan nito ang kanyang bunsong kapatid.

Sa latest social media posts ni Mommy Viy, kitang-kita kung paano nabubuo ang bonding moments nina Kuya Kidlat at Baby Tokyo. 

Lagi siyang nakabantay, nakayakap, at nakadikit—tila ba ayaw na ayaw niyang mawalay sa kanyang nakababatang kapatid.

Kidlat’s Forever Playmate

Walang scripted lines, walang forced drama. Isang raw at totoong sandali kung saan nasaksihan ng lahat ang pagiging kuya ni Kidlat. 

“You’re gonna play together na,” sabi ng happy parents sa kanya. 

Sa mata ni Kidlat may luha at may unti-unting pag-unawa na ang kanyang nakababatang kapatid ay ang kanyang makakalaro at magiging kasangga habangbuhay.

 

Heartwarming Reactions

Maging ang mga taga-suporta ng Team Payaman ay hindi ligtas sa pagiging emosyonal nang masaksihan ang pagtatagpo ni Kuya Kidlat at Baby Tokyo.

@Riz Lacanienta: “Cute! Lambing ng kuya.  Nakaka-excite kapag malaki-laki na ‘yan si Tokyo

Stay sweet sa little sister mo Kidlat!”

@Jhing Esguia Magistrado: Napaka loving ni Kuya Kidlat, you can see his love for his sister.. simple love yet so pure and genuine!

@Mommy She and Iyah: “Cute ni kidlat magiging super protective yan kay Tokyo!”

@Shakira Martirez: “Kidlat will be a good brother to her little sister! I can see it”

@Heo Yeon Woo: “Super swerte naman ni Baby Tokyo, meron syang parents na mapagmahal at Kuya Kidlat na aalagaan at proprotektahan sya!”

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.