Isa ngayon ang Team Payaman kid na si Alona Viela Velasquez sa mga kinagigiliwan ng mga netizens taglay ng kanyang cute at charming personality.
Mas lalong hinangaan ng mga manonood ang unica hija ng mag-asawang Junnie at Vien matapos matunghayan ang kanyang kauna-unahang academic achievement.
Sa pinakabagong YouTube upload ng Team Payaman Mom na si Vien Iligan-Velasquez, ipinasilip nito ang ilan sa mga tagpo ng kanilang daily routine sa loob ng kanilang tahanan.
Kasama na sa kanyang mga ipinasilip ay ang tagumpay ng kanyang bunsong anak na si Alona Viela I. Velasquez pagdating sa homeschooling.
Marso 31, 2025 nang magdaos ng munting recognition program sina Teacher Faye kasama ang proud parents na sina Mommy Vien at Daddy Junnie para kay Viela.
“You have bloomed into a confident learner. Thank you Mommy and Daddy for your continuous support and encouragement. Thank you for letting me teach and get to know Viela more,” pagbati ni Teacher Faye.
Isang sertipiko at tatlong mini ribbons ang iginawad ni Teacher Faye kay Viela na naglalayong bigyang pagkilala ang kanyang galing sa unang cycle ng kanilang homeschooling session.
Naghandog naman ang proud daddy ng munting bulaklak bilang reward sa kanyang unica hija.
“Flowers for you, [Viela!]” pagbati ni Junnie sa anak.
Hindi mabilang ang dami ng mga bumati sa milestone na nakamit hindi lamang ni Viela, kung hindi pati na rin ng kanyang Mommy Vien at Daddy Junnie.
Fe Juangco-Iligan: “Congratulations Viela..Keep it up!”
Jennelyn Amozon: “Congratulations!”
Kimberly Panadough: “Congratulations, Viela!”
Watch the full vlog below:
Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…
"Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
This website uses cookies.