Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena Cortez Velasquez is finally here!

March 30, 2025, sa ganap na 8:00 ng umaga, ipinanganak na ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanilang munting prinsesa.

Matapos ang siyam na buwang paghihintay, buong galak na sinalubong ng Team Cortez-Velasquez ang bagong adisyon sa kanilang munting pamilya.

Priceless Joy

Bago tuluyang manganak, isang Japanese at Goddess-inspired photoshoot ang hatid ng Team Payaman momma na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang social media posts bilang pagdiriwang sa pagdating ni Baby Tokyo.

Umaga ng Marso 30,  ibinahagi ng excited parents ang kanilang abot-langit na tuwa sa pagdating ng kanilang unica hija na si Baby Tokyo Athena.

“Ang bilis! Parang kelan lang +1 ulit!” aniya sa kanyang social media post.

Hindi rin pinalampas ni Mommy Viy na gawin ang kanyang pre-birth makeup look na kanya ring ibinahagi sa isang social media post.

“Manganganak muna ang ferson,” aniya sa nasabing GRWM video.

Welcome, Baby Tokyo!

Sa wakas, nasilayan na sa kauna-unahang pagkakataon ng pamilya Cortez-Velasquez ang unica hija nina Viviys at Cong TV.

Maya-maya pa’y ipinasilip na ng happy mommy ang kauna-unahang litrato ni Baby Tokyo Athena kasama ang kanyang Kuya na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.

“Unang kita ng magkapatid,” aniya.

Dumagsa naman ang mga pagbati ng mga taga-suporta ng Team Payaman sa ligtas na panganganak ni Viviys.

Joshlyn Salome: “Congratulations to the both of you po! God bless!”

Dyan Villarias: “Such a precious moment!”

Lanny Pang: “Congrats Viviys and God bless!”

Helen Lucinisio Maglalang: “Congrats,  God bless!”

Aileen Sebidos: “Congratulations, Viy, Sir Cong, at Kuya Kidlat! Tears of joy ba ‘yan, kuya Kidlat? Welcome  to world baby Tokyo!”

Welcome to the world, Baby Tokyo Athena! Abangan ang mga tagpo sa vlog ni Viviys!

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

12 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

23 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.