
Team Zebby’s back! Sa latest vlog ng Team Payaman friend at social media superstar na si Zeinab Harake, tampok ang masayang reunion kasama ang kanyang long-time barkada—ang Team Zebby.
Binubuo ng kapwa content creators na sina Chad Kinis, Rana Harake, Awra Briguela, Princess Thea, Shaina Denniz, Kyo Quijano, Concon Felix, Melissa Enriquez, at Lantis Espiritu, nagkasama-sama sila ulit para sa isang special podcast episode na puno ng tawanan at kulitan.
Team Zebby’s First Ever Podcast
Isang surpresang podcast mula sa Team Zebby ang handog ng content creator na si Zeinab Harake para sa kanyang mga manonood.
“For today’s video, kasama natin walang iba kundi ang… Team Zebby! 5 years of friendship, ngayon lang natin talaga sisimulan [ang vlog] kung paano tayo mag-kwentuhan nang ‘raw’. This is our first podcast ever,” panimula ni Zeinab Harake.
Sa kanilang podcast, hatid ng grupo ang mga hugot at kwento tungkol sa kanilang matibay na pagkakaibigan, pati na rin ang epekto nito sa kanilang personal na mga buhay.
Ayon sa kanila, malaki ang pasasalamat nila sa pagkakaroon ng “safe space,” “happy pill,” at “second home” sa isa’t isa, kung saan malaya silang maging totoo at magtulungan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Dagdag pa nila, ang kanilang pagkakaibigan ang kanilang pinanghuhugutan ng lakas upang harapin ang mga pagsubok sa buhay.
Team Zebby Spills the Tea
“Ano ang pinaka-importante sa pagkakaibigan?” kontrobersyal na tanong ni Zeinab.
Ayon sa grupo, ang tunay na pagkakaibigan ay nakasalalay sa respeto, tiwala, katapatan, at pagmamahal.
Dagdag pa ng grupo nina Zeinab, mahalaga rin ang pagkakaroon ng tunay na samahan, pagtatalaga sa isa’t isa, at pagtanggap sa kanilang mga pagkakaiba.
“It’s the combination of all the things that you said. Lahat yan. Trust, love, respect… Lahat kasi dapat nandiyan ‘yan. Minsan kasi, kahit mahal natin ‘yung isang tao, but we still tend to betray them”
“Minsan may respeto tayo sa kanila, but then, wala tayong tiwala sa kanila… So lahat ‘yan, it’s a connection of everything. Lahat ‘yan dapat mahalaga,” salaysay ni Chad Kinis.
Sa huli, sinabi nila na ang kanilang samahan ay nagbigay sa kanila ng inspirasyon, layunin, kumpiyansa, kalayaan, kaligayahan, at isang pamilya na kanilang masasandalan.
Ang buong episode ay puno ng good vibes at nagpapakita ng tunay na kahalagahan ng pagkakaibigan. Siguradong marami ang makaka-relate sa mga kwento at mga “friendship goals” ng Team Zebby.
