Team Payaman’s Clouie and Dudut Tries TikTok-Trending Snacks

Sa pinakabagong episode ng must-try food series ng Team Payaman power couple na sina Clouie Dims at Dudut Lang, sinubukan naman nila ang mga sikat na pagkain na mabibili mula sa TikTok Shop.

Alamin kung ano-ano nga ba ang pasok sa panlasa at budget na TikTok-trending snacks para kina Dudut at Clouie.

Must-try Trending TikTok Snacks

Ang 20-minute long na YouTube vlog ng Team Payaman Wild Cat na si Clouie Dims ay binubuo ng sampung iba’t ibang pagkain na nahati sa limang uri ng lasa: matamis, maanghang, maasim, at maalat.

Ibinida nina Clouie ang pagiging abot-kaya ng mga meryendang ito at swak na pambaon para sa mga mahahabang biyahe. 

Unang sinubukan nina Dudut at Clouie ang  “Fruit and Vegetable Chips” na nabibilang sa kategoryang maalat, na nabili anila sa halagang P135.

Ilan pa sa kanilang tinikman ay ang “Spicy Sweet and Sour Strip” na nagkakahalaga ng P150, “Kraklets Jalapeño Cheese Kropek” na mabibili sa halagang P142, at “Dried Mango with Salt and Chili” na may presyong P239.

Ang pinakauna naman nilang sinubukan sa kategoryang matamis ay ang “Coated Strawberry” na kanilang nabili sa halagang P79, na ayon sa kanila ay tama ang lasa lalo pa’t kapag hinaluan ng matcha. 

Nasubukan din ng dalawa ang “Mini Krunch” na mayroong Matcha flavor sa halagang P120, at Chocolate flavor naman sa halagang P10.

Nagkakahalaga naman ng P215 ang sikat na “Messy Cookies” na may Red Velvet at Mango Graham flavors.

Isa rin sa kanilang hindi pinalampas ay ang crowd-favorite “Milky Macapuno” na naka Buy 1, Take 2 sa halagang P109 lamang.

May something sa mga matatamis na pagkain na parang once na nasimulan mo na siya, ayaw mo na siyang tigilan. Kaya hindi po ako masyadong kumakain ng matamis,” salaysay ni Dudut sa kabila ng pag-eenjoy sa iba’t ibang sweet snacks.

Ang pinakahuli naman nilang sinubukan ay ang  “Wax Candy” sa halagang P199 na hindi nila masyadong nagustuhan dahil ayon kina Dudut at Clouie, ito’y mahirap kainin at mukhang delikado pa sa mga batang susubok.

The Final Verdict

Sa huli, pumili ang dalawa ng pinaka nagustuhan nila kung saan Fruit and Vegetable Chips ang nanaig para kay Dudut at Milky Macapuno naman ang bumida kay Clouie.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.