Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng healthier lifestyle ngayong 2025, ngunit hindi alam kung saan magsisimula.
Kaya naman, nagbahagi ang resident doctor ng Team Payaman na si Doc Alvin Francisco, o mas kilala bilang “Doc Alvin,” ng kanyang sikreto sa kanyang sustainable fitness journey.
Sa bagong Instagram reel ni Doc Alvin, ibinahagi niya ang simple at epektibong paraan kung paano siya nagbawas ng timbang sa tulong ng calorie deficit.
Ayon kay Doc Alvin, ang calorie deficit ay ang pagbawas ng kinokonsumo na calories sa pang-araw-araw kumpara sa calories na natural na nababawas ng katawan.
Sa madaling salita, kailangang mas mababa ang calorie intake kaysa sa energy expenditure upang makamit ang pagbabawas ng timbang. Sa nasabing video, ipinaliwanag niya kung paano magsisimula sa prosesong ito.
Upang malaman kung ilang calories lang ang dapat kainin, ipinapayo niyang gumamit ng TDEE Calculator. Ito ay isang online tool na makakatulong tukuyin ang daily calorie needs batay sa edad at level ng physical activity ng isang tao.
Matapos sagutan ang mga ito, lalabas ang resulta ng bilang ng calories na kailangan ng katawan araw-araw. Mula rito, kailangan lamang magbawas ng 250 calories upang makuha ang tamang calorie intake para sa pagpapapayat.
Pagkatapos makuha ang tamang bilang ng calories, payo ni Doc Alvin na mahalaga ang patuloy na pagsubaybay sa mga kinakain sa buong araw.
Isa sa kanyang mga tips ay ang paggamit ng mga aplikasyon gaya ng MyFitnessPal app upang ilista ang pagkaing nakonsumo sa isang araw.
Makikita sa nasabing app kung ilang calories na ang nakonsumo at kung ilan pa ang natitira para sa araw na iyon.
Sa ganitong paraan, mas madaling mamonitor ang daily calorie intake ng isang tao, dahilan upang mas maging mapadali ang pagbabawas ng timbang.
Sa dulo ng kanyang video, ibinahagi ni Doc Alvin ang pagbabago sa kanyang katawan matapos niyang sundin ang pamamaraang ito.
Ayon sa kanya, hindi naging madali sa simula, pero dahil sa kanyang tyaga at determinasyon, naging bahagi na ng kanyang lifestyle ang mindful eating.
“Minsan talaga mahirap sa umpisa. Pero kapag inaraw-araw natin yan, magiging habit natin yan,” aniya.
Hinikayat din niya ang kanyang mga manonood na subukan ang kanyang technique at ibahagi ang kanilang mga resulta.
Watch full video below:
Bago tuluyang matapos ang kanilang all-girls Vietnam trip, hindi pinalampas ni Clouie Dims na masubukan…
Muling pinaglutuan ng resident cook ng Congpound na si Dudut Lang ang kanyang kapwa Team…
Muling nakuha ng Team Payaman siblings na sina Baby Tokyo at Kuya Kidlat ang…
Ibinida ng Team Payaman member na si Viy Cortez-Velasquez sa bagong vlog ang mga tagpo…
Matapos ang ilang buwang pagsasanay, ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang kauna-unahang swimming meet ng kanilang…
Matapos ang kanilang local trip, dinala ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang…
This website uses cookies.