Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las Piñas, patunay na patuloy na lumalakas ang Beyblade community sa Pilipinas.

Sa panayam ng Viyline Media Group kay Jun Matthew Brecio, a.k.a “Matthaios”, isang Filipino singer-songwriter at founder ng LPBBX, ibinahagi niya kung paano nabuo ang grupo at ang lumalakas na kompetisyon ng larong ito sa bansa.

Building the Beyblade Scene

Bagama’t kilala sa larangan ng musika, matagal nang may hilig si Matthaios sa paglalaro ng Beyblade. 

Ayon sa kanya, nagsimula siyang maglaro ng Beyblade noong taong 2010 ngunit kalaunan ay natigil. Sa pagdating ng ika-apat na henerasyon ng Beyblade, muling nabuhay ang kanyang interes sa laro.

Sa muling pagyakap sa larong ito, napansin niyang marami pa rin ang aktibong naglalaro, kaya naisip niyang bumuo ng isang local community—ang Las Piñas Beybladers X.

Para sa LPBBX, hindi lang ito simpleng pampalipas-oras kundi isa ring kompetisyon. Sa kanilang tournaments, sinusunod nila ang Swiss format na may lima hanggang siyam na rounds, kung saan ang kalahati ng mga manlalaro ang uusad sa single elimination round.

Bagama’t matagal nang may Beyblade tournaments sa bansa, hindi alam ng karamihan na patuloy pa rin itong nabubuhay. 

Kuwento ni Matthaios, tulad niya, marami ang nag-aakalang wala ng mga aktibong manlalaro, pero sa tulong ng social media, unti-unting lumalawak muli ang interes ng mga tao sa nasabing laro.

Matapos ang matagumpay na Talpukan 1 sa Robinson’s Las Piñas, kasalukuyang pinaplano na ng grupo ang kanilang susunod na tournament, ang Talpukan 2

“We’re in the planning stage now ng Talpukan 2. ‘Yun ‘yung follow-up sa Talpukan 1 na ginanap namin sa Robinson’s Las Piñas. Magpo-post na lang kami sa [Facebook] page kung kailan ang sunod, pero sana 3 months from now, maybe? ‘Yun ang goal namin na date,” kwento ng LPBBX founder.

Payo pa ni Matthaios para sa mga interesadong sumali sa Beyblade community,  isang magandang simula ang pagsali sa Beyblade Philippines Facebook group. 

Sa grupong ito, maaaring magtanong at makahanap ng mga local community na madaling malapitan. Dagdag niya, maraming miyembro ang handang tumulong sa pagpili ng tamang Beyblade para sa mga baguhan.

Bagama’t karamihan ng mga manlalaro ay matatanda na, bukas din ito para sa mga bata. May Junior Category para sa mga 12 taong gulang pababa, na kung saan maaari rin silang sumali sa open category. 

How Team Payaman Helped Revive Beyblade

Ayon kay Matthaios, malaki ang naging papel ng Team Payaman members na sina Cong TV, Junnie Boy, Yow, Burong, Bok, Mentos, at GengGeng sa muling pagpapakilala ng Beyblade sa mas malawak na audience.

Dahil sa exposure mula sa kanilang vlogs, patuloy na lumalawak ang community at mas maraming bagong manlalaro ang naeengganyo na makilaro at sumali.

Bilang founder ng Las Piñas Beybladers X, nais ni Matthaios na ipakita sa sa dating mga manlalaro at bagong henerasyon na hindi kailanman nawala ang kultura ng paglalaro ng Beyblade sa Pilipinas. 

Angelica Sarte

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

12 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

23 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.