Clouie Dims Shares How Life-Changing Solo Traveling Can Be

Para sa Team Payaman vlogger na si Clouie Dims, isang espesyal na celebration ang kanyang kaarawan ngayong taon. 

Sa halip na isang tradisyonal na party, pinili niyang magbakasyon mag-isa sa Japan upang maranasan ang winter season, mag-explore ng bagong lugar, at bigyan ang sarili ng isang unforgettable self-reward trip.

Rewarding Trip

Sa kanyang latest vlog upload, ipinakita ng nobya ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang na si Clouie Dims ang mga tagpo sa kanyang kanyang solo Nagoya, Japan trip.

Isa sa nagustuhan ni Clouie sa kanyang tinutuluyan ay ang view ng Mirai Tower mula sa bintana ng kanyang kwarto. Ayon kay Clouie, sapat na ang espasyong ito para sa mga solo travelers. 

Isa sa matagal nang bucket list ni Clouie ay ang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa kalagitnaan ng Winter Season. 

Aniya, matagal na niyang hiniling na makaranas ng snow, at ngayong taon, natupad na ito habang ipinagdiriwang ni Clouie ang kanyang kaarawan.

Naging mas espesyal pa ang selebrasyong ito dahil sakto ring nasa Japan ang ilan sa kanyang mga kaibigan tulad ni Jai Asuncion, kaya nagkaroon sila ng pagkakataong magkasama sa mga snow-covered destinations. 

Isa sa mga highlight ng kanyang trip ay ang paggawa ng sarili niyang pabango. Sa isang perfume-making shop sa Nagoya, binigyan siya ng pagkakataong pumili ng scent combinations at subukan ang iba’t ibang fragrance blends.

Ayon kay Clouie, hindi man ito mura, sulit naman ang experience dahil may kakaiba siyang Japan souvenir na siya mismo ang gumawa.

Pinili rin niyang ipalagay ang kanyang pangalan sa Hiragana sa bote ng pabango upang maramdaman ang Japanese-inspired touch nito.

Alone Bonding

Bukod sa pamamasyal, sinulit din ni Clouie ang kanyang trip sa pamamagitan ng food trip at coffee shop hopping sa Nagoya.

Isa sa kanyang unang food stops ay ang isang tempura meal sa Nagoya Station. Isang memorable coffee experience din para kay Clouie ang pagtambay niya sa Ralph’s Coffee. 

Sa gabi, naglakad-lakad siya sa lungsod upang mas ma-appreciate ang nightscape ng Nagoya. Isa sa kanyang mga stop ay ang Mirai Tower, kung saan nasilayan niya ang magandang city lights. 

Hindi rin pinalampas ni Clouie ang pagkakataon na mag-explore ng iba’t ibang iconic spots sa Nagoya gaya ng Nagoya Castle, Chitaya Bookstore, at Don Quijote.

Sa pagtatapos ng kanyang vlog, ibinahagi ni Clouie ang kanyang mga natutunan mula sa kanyang unang full solo trip.

Ayon sa kanya, ang ganitong pagta-travel ay hindi lang isang simpleng selebrasyon, kung hindi isang pagkakataon para sa self-reflection at growth. 

“Kung naghahanap ka ng sign para mag-travel mag-isa, ito na ‘yon,” ani Clouie.

Watch the full vlog below: 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

3 hours ago

Boss Keng’s Game Show Gets Real as Junnie Boy Fights for His Comeback

Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…

20 hours ago

Agassi Ching Finally Gets His Dream Toyota Prado After 8 Years of Vlogging

Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos…

2 days ago

Turn Moments Into Memories with Viyline Print’s HQ Photo Canvas

Life’s full of unforgettable events. Milestones such as graduations, birthdays, weddings, anniversaries, must be kept…

2 days ago

Team Payaman Moms: An Epitome of Boundless Love

As we celebrate Mother’s Day, this is a perfect opportunity to recognize the hardships and…

3 days ago

3 Ways To Style Ivy’s Feminity Coords Pants

The summer season is not just about showing off your skin! You can always style…

3 days ago

This website uses cookies.