Team Payaman’s Geng Geng Receives Heartwarming Gift From His Ate Viy

Isang nakakaantig na pangyayari ang ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang TikTok post kamakailan nang si Geng Geng ay nakatanggap ng hindi inaasahang regalong brand-new phone mula sa kanyang Ate Viy.

Tunghayan ang priceless at heartwarming reaction ni Geng Geng matapos masilayan ang regalong hatid sa kanya ni Viviys.

A Well-Deserved Gift

Sa tila isang ordinaryong Viyline Skincare Sunshade promotion video, inimbitahan ng 28-anyos na vlogger na si Viy Cortez-Velasquez si Kevin Cancamo, a.k.a Geng Geng, na sumali sa pagpo-promote ng bagong produkto mula sa Viyline Skincare. 

Ngunit, walang kaalam-alam si Geng Geng na may nakahandang sorpresa si Viviys para sa kanya.

Ipinaliwanag ni Viy na nagpahayag si Geng Geng ng interes na bilhin ang kanyang lumang smartphone, ngunit naramdaman niyang mas higit pa ang nararapat para dito.

“Deserve niya naman ‘yan kasi lagi niya akong tinutulungan… lagi ko siyang nakikitang nagpo-promote ng mga paninda ko, mga ganon! Hindi ko naman siya pinipilit, at hindi rin siya humihingi ng kapalit,” kwento ni Viy.

Kitang-kita ang pagkagulat at labis na tuwa ni Geng Geng matapos mahawakan ang pinapangarap na smartphone. 

“Hindi ko in-expect na magkakaroon ako nito ngayong araw,” aniya habang hindi maitago ang excitement habang ina-unbox ang bagong telepono.

“Hindi ko alam kung deserve ko ‘to, pero sobrang saya ko ngayong araw! Grabe!” habang nagpipigil ng luha.

Pabirong dagdag ni Viy, “Mamaya-maya maglilinis ‘yan sa labas ng bahay kahit madaling araw, tingnan niyo.”

Touching Comments

Samantala, marami ang naantig sa regalong handog ng Team Payaman vlogger sa kanilang anak-anakan sa Congpound.

“Habang pinapanood ko yung video mula sa pagpatong ni Viviys ng iPhone hanggang sa matapos, naka-smile lang talaga ako at sobrang happy para kay Geng. Napaka-genuine ng reaction. Super deserve rin talaga niya na mabigyan.”

“Matapos ibigay ang iPhone, sinabi ni Viy Cortez-Velasquez: “Mag-aral ka ng mabuti.” Walang hiningi na kapalit kundi mag-aral ng mabuti, na para rin kay Geng Geng. More blessings and power sa inyo para marami pa kayong mabiyayaan. Genuine love.”

“Deserve ni Geng Geng ‘yan, kasi siya lagi nagbibigay sa pamilya niya.”

“Wah! Very appreciative talaga ni Geng. Deserve mo ‘yan kasi mabait at maalaga ka rin kay Kidlat saka support ka sa business nila, kaya ganun din sila sa’yo, Viy Cortez-Velasquez, Cong TV. Aral mabuti at ipagpatuloy ang pagiging down to earth. May God bless you abundantly, the Velasquez family and Team Payaman.”

Watch the full video below:

Angel Asay

Recent Posts

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

9 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

This website uses cookies.