Alex Gonzaga and Beks Battalion Explore Quiapo’s Most Popular Street Foods

Matapos ang matagal na paghihintay, natuloy rin sa wakas ang collaboration ng mga vloggers na sina Alex Gonzaga at ang grupong Beks Battalion!

Sa bagong vlog upload ni Alex, kasama niya ang mga miyembro ng Beks Battalion na sina Chad Kinis, Mc Muah, at Lassy sa isang masayang food trip sa Quiapo. 

Must Try in Quiapo

Unang pinuntahan nina Alex at ng Beks Battalion ang Sheila’s Dragon Fruit Salad, isang viral na dragon fruit stall na matatagpuan mismo sa harap ng Quiapo Church. 

Habang iniinom ang kanilang dragon fruit juice, nagbigay si Alex ng honest review. Para sa kanya, ito ay 10/10. 

At dahil kilala si Alex bilang mahilig magpasaya ng tao, nagbigay siya ng halagang P30,000 sa tindera ng nasabing stall upang ipamahagi sa mga taong nanonood sa kanila ang sikat at pinipilahang dragon fruit juice.

Sunod naman na kanilang pinuntahan ay ang sikat na Grilled Dried Squid o ang Inihaw na Daing na Pusit. Para kay Alex, masarap itong ipares sa kanilang suka na puno ng sibuyas.

Habang kumakain, hindi nawala ang tawanan at pang-aasar sa isa’t isa, na siyang nagdagdag saya sa kanilang food trip experience. Bukod dito, muling namigay si Alex ng P10,000 cash sa may-ari upang ipatikim sa iba ang  dried squid.

Sa kanilang ikatlong food stall stop, sinubukan ng grupo nina Alex ang top trending Big Siomai —isa sa mga dinarayong street food sa Quiapo na matatagpuan sa labas ng main entrance ng Quiapo Church.

Dito, nakilala nila ang may-ari ng nasabing stall na si Totoy B, ang kapatid ng sikat na Overload Hungarian Sausage vendor na si Neneng B. 

Higit pa riyan, hindi nalimutan ni Alex na magbigay muli ng halagang P30,000 na siomai para ipamahagi sa mga taong nakasubaybay sa kanila.

Sa kanilang huling food trip stop, pinuntahan nila ang isang sikat na Overload Hungarian Sausage stall na matatagpuan malapit sa Carriedo Station.

Sumikat ang tindera nitong si Neneng B matapos mag-viral sa tulong ng isang food vlogger na nagbigay ng oportunidad sa bata upang makilala.

Alex and Beks Battalion as Vendors

Bukod sa pagtikim ng iba’t ibang street food sa Quiapo, napasabak din sina Alex at ang Beks Battalion sa pagtitinda ng Overload Hungarian Sausage.

“Kami, Neneng B, pinunta namin dito kumain, bakit kami pinagtatrabaho?” biro ni Alex

Kahit hindi handa, game na game ang grupo na sinubukan ang paggawa ng Overload Hungarian Sausage. Dito, nabigyan ang grupo nina Alex na maglagay ng mayo mustard, ketsup, at maraming keso sa ibabaw ng sikat na Hungarian Sausage Sandwich.

Watch full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

13 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

13 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

1 day ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

1 day ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

1 day ago

This website uses cookies.