Vienna Iligan Goes on a Fun Getaway Trip with Her Co-Interns

Matapos ang ilang buwang break sa YouTube, balik-vlogging si Vienna Iligan, ang kapatid ng Team Payaman member na si Vien Iligan-Velasquez.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Vienna ang isang quick getaway trip kasama ang kanyang kapwa interns bilang bahagi ng kanilang bakasyon mula sa hospital duty.

A Break from Internship Life

Kasama ang kanyang co-interns, dumayo sila Vienna sa Pangasinan at nag-stay muna sa Hamjam Resort sa Alibago, Sta. Barbara. Dito sila nag-relax at nag-bonding bago simulan ang kanilang adventure.

Bago pa man tuluyang ma-enjoy ang bakasyon, namili muna sila upang makumpleto ang kanilang mga kailangan.

Kinabukasan, tumungo sila nagtungo ang grupo nina Vienna sa Pacalat River, isa sa mga atraksyon sa Pangasinan na kilala sa malinis nitong tubig.

Sa biyahe pa lamang, puno na ng tawanan ang sasakyan dahil sa kanilang Pinoy Henyo session na nagsilbing kanilang pampalipas-oras.

Pagdating sa nasabing ilog, ninamnam nina Vienna ang sariwang hangin at nag-relax bago sila nagtungo sa Estanza Beach.

Nang makarating sa Estanza Beach, hindi nila pinalampas ang pagkuha ng mga litrato at paglangoy. Ayon kay Vienna, sulit ang kanilang bakasyon dahil nagkaroon sila ng oras na makapagpahinga mula sa kanilang hospital duties.

An Intern’s Struggle

Bago matapos ang vlog, nagbahagi si Vienna ng isang relatable na struggle bilang isang Medical Technology intern—ang kawalan ng maayos na sleeping pattern.

Dahil sa nature ng kanilang trabaho, naibahagi ni Vienna na hindi permanente ang kanyang shift. Dahil dito, mahirap makakuha ng sapat at quality sleep, na isa sa pinakamalaking challenges ng pagiging MedTech.

Ibinahagi rin ni Vienna ang isang tip kung paano niya naaalagaan ang sarili kahit sa hectic schedule—ang pag-inom ng vitamins at pagkakaroon ng healthy lifestyle upang maiwasan ang anumang sakit dala ng matinding pagod. 

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

8 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

9 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

9 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.