Maricel Soriano and Angeline Quinto Share Heartwarming Bond in Fun Pinoy Henyo Challenge

Sa isang nakakaaliw at masayang YouTube vlog, inimbitahan ng Filipino singer and actress na si Angeline Quinto ang isa sa pinaka hinahangaan aktres sa bansa, ang Diamond Star na si Maricel Soriano, para maglaro ng classic Pinoy game na Pinoy Henyo.

Ang nasabing vlog ni Angeline ay handog n’ya para sa mga Pinoy teleserye fans, hindi lang dahil sa mga kwento nila sa showbiz, kundi pati na rin sa pagpapakita ng kanilang personal na relasyon at ang malalim na paghanga nila sa isa’t isa.

Fun Pinoy Henyo

Hindi naitago ni Angeline Quinto ang excitement niya habang ipinapakilala ang kanyang espesyal na guest. 

“Meron po tayong napaka-espesyal na guest today. Isa po sa talagang hinahangaan ko pagdating sa pag-arte. Alam naman ‘yan ng lahat, actually. Ang mahal na mahal ko, Ms. Maricel Soriano!” masaya niyang panimula sa kanyang vlog.

Nagsilbing heartwarming bonding moment din para kina Angeline at Ms. Maricel ang kanilang kolaborasyon dahil naibahagi nila ang mga kaniya-kaniyang karanasan sa showbiz, kabilang na ang mga ala-ala sa kasamahan nilang mga artista tulad ng mga yumaong Kings of Pinoy Film, Dolphy at FPJ. 

Bukod sa tagisan ng talino, napuno rin ng katatawanan ang buong vlog dahil sa mga hirit at kwentuhan ng dalawang aktres.

Nang mahulaan ni Angeline ang salitang “SAMPAL,” naibahagi niya ang isa sa mga pinapangarap niya bilang artista. 

“Lagi ko talagang naririnig dati, ‘Hindi ka pa ganap na artista ‘pag hindi ka pa nasampal ni Maricel Soriano.,” ani Angeline. 

Naging katuwaan nila ito kaya ang hirit ni Angeline, sana ay masampal siya ni Maricel bilang isang “rite of passage.”

“Nay, 15 years na ko sa showbiz… ibigay mo na sakin ‘to!” pabirong sabi ni Angeline.

Pero kahit pabirong nagmakaawa si Angeline sa tinaguriang Diamond Star na siya’y sampalin, mahinahon at propesyonal na tumanggi si Maricel at nangako na gagawin niya ito kapag magkasama sila sa isang proyekto o pelikula sa hinaharap.

Sa pagtatapos ng vlog, ibinahagi ni Angeline ang kasiyahan niya sa oportunidad na makasama ang beteranang aktres. 

“Sobrang happy ko… alam mo Inay, kung nabubuhay ang mama ko, masayang-masaya ‘yon… Alam na alam kasi non na love kita, eh,” mensahe ni Angeline kay Ms. Maricel. 

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

11 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

11 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

12 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

3 days ago

This website uses cookies.