WHERE’S YOW?: Did Yow Andrada Really Leave Congpound?

Usap-usapan ngayon kung tuluyan na nga bang umalis ang Team Payaman member na si Yow Andrada sa Congpound.

Sa kanyang bagong vlog, nilinaw ni Yow na hindi siya umalis, kundi abala lamang sa kanyang mga raket.

Where’s Yow?

Sa kabila ng mga espekulasyon, ibinahagi ni Yow Andrada sa kanyang mga manonood na nananatili pa rin siya sa Congpound.

Kwento niya, may mga bagong pinagkakaabalahan lang siya nitong mga nakaraang araw, kabilang na rito ang kanyang Travel and Tours business—ang Wanderly.

Ngunit kahit abala sa kanyang bagong mga hobby, hindi ibig sabihin ay naputol na ang kanyang koneksyon sa biggest vlogger group na Team Payaman.

Dagdag pa niya, paano raw nasabi ng netizens na wala na siya sa Congpound, gayong patuloy siyang lumalabas sa mga vlog ng Team Payaman members.

Sa katunayan, ipinakita niya sa vlog na hindi pa rin nawawala ang pakikipagkulitan niya kasama ang Team Payaman Wild Dogs.

Kanilang napag-usapan ang pelikula na pinamagatang “POSTMORTEM” ni Direk Tom Nava kung saan kasama rin si Yow sa cast sa nasabing pelikula.

Kanya-kanya silang kwento ng naging karanasan habang ginagawa ang pelikula—mula sa nakakatawang behind-the-scenes moments hanggang sa mga hamon sa kanilang pag-arte.

Bago matapos ang vlog, ibinahagi rin nila ang tungkol sa nalalapit nilang mall show kasama  ang iba pang cast ng POSTMORTEM, kabilang na sina Alex Medina, Sachzna Laparan, Jai Asuncion, at Agassi Ching.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang naintriga matapos mag-upload ni Yow ng vlog na pinamagatang “umalis sa congpound.”

@user-pv5is3yz1w: “Napa-click tuloy ako nung nag notif haha kala ko wala na talaga.”

@polejack7: “Napag-kamalan na naman akong chismosa. *Click agad pag[ka]-notif*”

@jeremyarrieta6869: “Clickbait! Nood na nga ako.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.