BIRTHDAY ADVENTURES: Clouie Dims Celebrates Birthday Japan

Naging espesyal ang birthday ni Clouie Dims ngayong taon dahil hindi lang niya ito cinelebrate sa Japan, kundi naranasan din niya ang kanyang first snowfall! 

Sa kaniyang  latest vlog, nagbahagi si Clouie ng  bawat detalye ng kanyang special day—mula sa shopping sa Nagoya, food trips sa Osu Market, hanggang sa pag-explore sa makulay na streets ng Japan. 

Shopping at Food Trip sa Nagoya

Sa unang araw ng kanilang Japan trip, ay kasama rin niya ang kapwa vlogger na si Jai Asuncion. Nagsimula ang kanilang adventure sa shopping, kung saan ramdam na ang lamig ng -2°C temperature sa paligid. 

Habang nasa Nagoya, nakatagpo sila ng ibang Team Payaman members tulad ni Aaron Macacua, a.k.a Burong at Coach JM Macariola kung saan nagsasama-sama rin sila upang gumala at mag-enjoy. 

Bukod sa pamamasyal, hindi rin pwedeng mawala ang food trip sa Osu Market, kung saan natikman nila ang kilalang Yaniku Unli Samgyup na buffet-style! 

First Snow Experience

Para sa kanilang second day, hindi pinalagpas ng birthday girl na maranasan ang pagka-lamig lamig na snow ng Japan, kung kaya’t nag-tungo sila Clouie sa Shirakawa-go.

“Sobrang ganda, parang ice!” biro ni Clouie. “Nasaan ang mga yelo, gagawin kong mais con yelo!” dagdag pa niya.

Simple Yet Memorable Birthday Celebration

Para sa birthday celebration ni Clouie, bumisita ang mga ito sa 37th Cafe + Gozaisho Ropeway, isang chill at intimate spot kung saan pwede silang mag-relax at mag-enjoy ng magandang tanawin. 

Para kay Clouie, hindi kailangan ng grand celebration—sapat na ang simpleng bonding sa cafe kasama ang mga kaibigan sa isang lugar na may magandang view.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

14 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.