Vien Iligan-Velasquez Shares A Glimpse Of A Pinoy Worker’s POV

Muling pinatunayan ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez na hindi lang siya isang ina, vlogger, at businesswoman, kundi isa rin siyang hands-on na boss!

Sa kanyang bagong vlog, sumabak siya pagiging isang “Pinoy Worker” sa kanilang sariling water station at laundry shop upang maranasan ang mga araw-araw na gawain ng kanyang mga empleyado.

The Daily Hustle

Unang binisita ni Vien ang kanilang BeRich water station, kung saan natutunan niyang punan ng tubig ang mga lalagyan, magbuhat ng mabibigat na galon, at mag-deliver ng tubig sa kanilang mga customer.

Kwento ni Vien, bukod sa pagde-deliver ng tubig, isinasabay na rin nila ang pag-pick up at pag-deliver ng laundry para mas mapadali ang kanilang trabaho.

Matapos ang mabigat na gawain sa water station, sinubakan naman ni Vien ang ilan sa mga gawain sa kanilang laundry shop. Dito, sinubukan niyang maglaba at magtupi ng mga damit.  

Inamin ni Vien na ramdam niya ang pressure bilang business owner. Bukod sa kita, iniisip din niya ang kapakanan ng kanyang mga empleyado.

Kwento niya, hindi man niya laging nakakasama ang kaniyang mga staff, laking pasasalamat niya na nandiyan ang kanyang Kuya na tumutulong sa pag-agapay at pag-relay sa kaniya ng concerns ng mga empleyado tungkol sa negosyo.

Appreciation for Pinoy Workers

Sa kabila ng hamon ng pagiging isang “Pinoy Worker,” mas naunawaan ni Vien ang hirap ng trabaho ng kanyang mga empleyado. Ibinahagi niya kung paano niya mas pinapahalagahan ang tiyaga at sipag ng bawat manggagawang Pilipino.

“Kaya mataas ‘yung respeto ko sa kanila. Syempre, dahil nga kung wala naman sila, hindi namin mapapatakbo itong negosyo na ito,” ani Vien.

Payo ni Vien, dapat tayong maging mabait sa mga trabahador dahil hindi natin alam kung gaano kahirap ang ginagawa nila araw-araw.

Dahil dito, maraming netizens ang natuwa at humanga kay Vien sa kaniyang pagpapahalaga sa mga empleyado at pagsubok sa kanilang trabaho.

@marwincoline7342: “Ang sarap sa pakiramdam, as an office employee na kapag nagfifield work ka e na sinasabihan ka ng mga clients na “ma’am salamat kasi nakakapunta kayo dito sa amin kahit bukid na/bundok na”.  Tama si Vien, let’s be kind kasi hindi natin alam ang mga pinagdadaanan ng bawat isa sa kabila ng mga ngiti at sayang ipinapakita ng bawat isa. 🙂 God Bless, Vien, and your family.”

@maepaulino2867: “Used to work as a washer and delivery sa isang refilling station grabe ung pagod double tlga basta babae, hnde kasi same ung strength natin sa mga lalaki. Everyday almost 100 gallons ung hinuhugas at inaalsa ko.  Thank you Miss Vien for using this platform for pinoy workers!  122 sa balota! Definitely will vote for this!”

@kirsztele: “More blessings sa mga business nyo, ate Vien! Kayo naman mag-bbloom this 2025!”

 

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure Episode

Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…

12 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Holiday-Coded Fit Inspo for Your Next OOTD

We’re just a few weeks away from the holiday season, have you planned your dazzling…

12 hours ago

Angelica Yap Opens Up About Being a Rap Superstar’s Girlfriend with Michelle Dy

Sa bagong episode ng Makeup Sessions Season 2, tampok sa vlog ni Michelle Dy ang…

12 hours ago

Zeinab Harake-Parks Treats Bea Borres with Newborn Essentials

Sa ikalawang bahagi ng kaniyang ‘Spoiling Buntis’ YouTube serye, inimbitahan ng vlogger na si Zeinab…

19 hours ago

Step Up Your Streetwear Game with Cong Clothing’s Black Collection Vol. 2

Following the successful wave of the TEAM PYMN Cap Collection, Cong Clothing is back with…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy Proudly Share Alona Viela’s Academic Progress

Hindi maitago ang pagkatuwa ng Team Payaman power couple na sina Vien Iligan-Velasquez at Marlon…

2 days ago

This website uses cookies.