Tambalang Panalo: Cong TV at Donny Pangilinan, Officially #SarsaBuddies!

Sa bawat handaan, may isang tanong na laging naririnig: “May sarsa ba?” Kahit gaano kasarap ang ulam, iba ‘pag may Mang Tomas!

Bukod sa Team Payaman head na si Cong TV, isang panibagong adisyon sa pamilya ng Mang Tomas ang dapat abangan ng solid Mang Tomas enjoyers!

Cong TV & Donny for Mang Tomas

Sa pangalawang pagkakataon, muling magsasama para sa isang proyekto ng Team Payaman founder na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at ang aktor na si Donny Pangilinan para sa Mang Tomas.

Sa isang Facebook post, inanunsyo ng nasabing condiment brand ang bagong tambalang magbibigay saya sa Mang Tomas consumers.

Marami ang natuwa sa muling pagbabalik ng tambalan nina Cong at Donny matapos nitong magsama para sa isang international project noong nakaraang taon. 

Funny Comments

Samantala, marami ang nagpadala ng kanilang mga nakakatuwang mga reaksyon bukod sa mga pagbati para sa bagong proyekto nina Cong TV at Donny.

Maging ang misis ni Cong na si Viy Cortez-Velasquez ay may nakakatuwang hirit sa official poster ng nasabing campaign. 

“Bakit naman ‘yung naka-ngiwi ang asawa ko? Dapat ‘yung naka-smile lang s’ya. Masyado n’yo naman sinasabutahe,” biro niya.

“Puro donny ang comment paki tulungan ako sa asawa ko tayo-tayo nalang din magtutulungan” Dagdag pa niya sa kaniyang shared post na siya namang kinagiliwan ng mga kanilang mga fans. 

Netizens’ Comments

Maging ang mga netizens ay hindi nagpahuli sa kanilang mga hirit matapos makita ang Facebook post ni Viviys. 

@Blanca Sundiam Rivera “Bat mukhang chocolate dip ang kay Cong? Sabotahe nga”

@Sherwin Camacho Soriano “Ang gwapo ni Donny, tapos si Cong magaling mag content!”

@Avhy Ignacio – Gamutan  “Grabe ka kay Cong Mang Tomas”

@My Metro Lifestyle “Ads ata ito ng sunshade! Pinapakita ang effects. With sunshade, Without sunshade”

@Dhe Crizaldy Levardo “kakulay mo ung Sarsa mossing”

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

8 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.