VIYahe Tayo EP2: Explore The Beauty of Caliraya & Cavinti, Laguna!

Sa panibagong episode ng VIYahe Tayo, isa na namang masayang adventure at dagdag-kaalaman ang hatid ng Viyline Media Group, sa ilalim ng pamumuno ng YouTube Vlogger at CEO na si Viy Cortez-Velasquez.

Kasama ang ilang Team Payaman members, masusing tinalakay ng grupo ang kasaysayan, kultura, at turismo ng Caliraya at Cavinti sa probinsya ng Laguna, Philippines.

VIYda ang Caliraya

Ang travel vlog na ito ay nahahati sa tatlong bahagi—Heart, Spirit, at Mind—na nagpapakita ng iba’t ibang aspeto ng Caliraya.

Sa unang bahagi, tinalakay ang kasaysayan ng Caliraya Lake—mula sa pagiging isang artipisyal o man-made lake hanggang sa pagiging hydroelectric source na nagbibigay ng kuryente sa South Luzon. Ibinida rin kung paano ito naging kilalang “Bass Fishing Capital of the Philippines.”

Upang higit na maunawaan ang yaman ng lugar, tampok sa nasabing vlog ang mga panayam mula sa mga lokal na residente na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan tungkol sa Caliraya.

Ang ikalawang bahagi ay nakatuon sa kultura at tradisyon ng Cavinti. Dito, ipinakita ang husay ng mga kababaihang naglalala ng Pandan—isang simbolo ng yaman ng Cavinti pagdating sa sining at tradisyon.

Bukod sa pagpapakita ng kultura, tampok din ang mga makasaysayang lugar tulad ng Cavinti Falls, Cavinti Underground Crave, at Bumbungan Ecopark, na siyang game na game na binisita nina Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada.

At ang panghuli, itinampok ang Caliraya Mountain Lake Resort—kung saan naganap ang ang Team Building at Kickstart Party 2025 ng Viyline Group of Companies. 

Ipinakita ang ilan sa mga ipinagmamalaki nito, kabilang ang magagandang kwarto, masasarap na pagkain, at iba’t ibang indoor and outdoor activities tulad ng watersports at team-building activities para sa mga pamilya at magbabarkada.

Sa panayam kay Mr. David Du, ang General Manager ng Caliraya Mountain Lake Resort, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbuo ng magagandang alaala kasama ang mga mahal sa buhay.

“We build the place for people to build memories,” ani Mr. Du. 

Netizen’s Comments

Samantala, nakatanggap naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang pangalawang episode ng travel vlog ni Viy Cortez-Velasquez kasama ang kanyang team.

@jhoyagoya7366: “Thank you, Viy! For reading our comments. Bagay na bagay talaga sayo ‘yung ganitong content. Mas lalawak ‘yung kaalaman niyo at namin na rin.”

@russangallero2176: “Grabe nakaka bilib ka na naman! The best mag negosyo tapos ang galing pang mag host. Ka level muna iyong mga travel anchor sa GMA. Galing talaga! Napahanga mo na naman ako.”

@SARU: “Ganda ng production value. Good job, Viyline Media Group. tapos ‘yung paggamit ng VIY TV… witty!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Netizens With IG-Worthy BKK Snaps

Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…

15 hours ago

Stay Fresh this ‘Ber Months’ with SNAKE Brand by Viyline

It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…

16 hours ago

Boss Keng Receives Heartwarming Greetings on His 33rd Birthday

Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…

2 days ago

Yiv Cortez Expands Business with the Launch of ‘Charms by Yiva’ Bracelet Line

From delicious homemade lasagna and sweet desserts, Yiv Cortez is now expanding her brand, YIVA,…

3 days ago

Ulap Patriel Marks 6th Month Milestone with Moana-Inspired Photoshoot

Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla…

3 days ago

Top 3 Viyline Cosmetics Products You Need This ‘Ber’ Season

Now that it’s finally the ‘ber’ season, it only means the holidays are fast approaching,…

3 days ago

This website uses cookies.