Mommy Carlyn Ocampo Documents Lakeisha’s First Day of School

First day of school na ng panganay ng Billionaire Gang couple na sina Carlyn Ocampo at Von Ordona na si Lakeisha. 

Sa kanilang vlog, ibinahagi ng excited parents ang priceless moments unang araw ng kanilang panganay sa eskwela. 

A New Chapter Begins

Ibang level ng saya at excitement ang naramdaman nina Mommy Carlyn Ocampoat Daddy Von Ordonasa unang araw ng school ng kanilang baby girl na si Lakeisha. 

Sa kanilang vlog, ibinahagi nila kung paano naging espesyal ang araw na ito hindi lamang para kay Lakeisha, kung hindi pati na rin sa kanila bilang mga magulang.

Bago pa man pumasok sa school, pabirong sinabi ni Daddy Von na ayaw pa niyang mag-aral si Lakeisha dahil siya pa rin ang “baby girl” niya. 

Suot ang cute niyang outfit, handa na si Lakeisha para sa kanyang unang araw sa eskwela! Mas lalo pang naging exciting ang mga tagpo, dahil hinayaan nilang pumili si Lakeisha ng sariling baon mula sa kanilang mini pantry sa bahay.

Pagdating sa school, kitang-kita na medyo nangangapa pa si Lakeisha, ngunit hands-on naman ang excited parents na hindi nagdalawang isip na gabayan ang kanilang anak.

Ipinaliwanag din nila na wala dapat ikatakot si Lakeisha dahil bukod sa pagkatuto, maaari rin itong mag-laro at magsaya  sa loob ng eskwelahan. 

A Milestone to Remember

Bukod sa first day of school ni Lakeisha, isa rin ang selebrasyon ng anibersaryo ng pagsasama nina Mommy Carlyn at Daddy Von sa dahilan ng pagiging espesyal ng kanilang araw.

Parang ito ‘yung pinaka-priceless moment kasi nakuha na natin ‘yung pinaka-core memory ng first baby natin na si Lakeisha,” aniya.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang nagpadala ng kanilang pagbati para kay Lakeisha, Mommy  Carlyn, at Daddy Von.

@Lyka Rose Duyanen “First day of school ni Lakeisha! Mag-aral kang mabuti! Bata ka [pa lang] noon, ang bilis mo lumaki! God bless you, and good health always!”

@Mhiyukie Jaz Sarao “Don’t cry baby Lakeisha, we love you always and your family and supporters. I’m always your supporter!”

@Marilou Arisgado Dayanan “Have a good time baby Lakeisha. Enjoy your first day in school and God bless your parents!”

@skzz_lolzzz “How time flies fast, big girl na si ate Lakeisha!”

Watch full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

13 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.