Matapos ang siyam na buwang paghihintay, sama-samang sinalubong ng Team Velasquez-Gaspar ang bagong adisyon sa kanilang munting pamilya.
Tunghayan ang ilan sa mga tagpo bago at matapos ipanganak ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar ang kanilang supling.
Ilan araw bago tuluyang ipanganak ng Team Payaman momma vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang kanilang bunso, kaliwa’t kanan na ang naging paghahanda niya.
Mula sa huling ultrasound, hanggang sa pagbuo ng kanyang labor bag, hands on hindi lamang si Mommy Pat, kung hindi pati na rin si Daddy Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng.
Ilang oras bago tuluyang iluwal ang kanyang pangalawang supling, hindi na maitanggi ang kabang nararamdaman ng excited parents.
Sa Facebook post ni Mommy Pat, nagbahagi ito ng nakakatawang usapan nila ni Boss Keng habang patuloy silang naghihintay kay Baby Ulap.
Boss Keng: “Hindi ka pa iinduce?”
Pat: “Hindi pa”
Boss Keng: “Sakit ng batok ko [laughs]”
“Parang baliktad, siya yung kinocomfort ko,” biro ni Mommy Pat sa kanyang post.
Matapos ang ilang oras na pag-iintay, ligtas na ipinanganak ni Mommy Pat ang nakababatang kapatid ng panganay nilang si Kuya Isla.
Sa isang Facebook post, una nang ipinasilip ni Boss Keng ang kauna-unahang litrato ng kanilang bunso.
“Good morning!” saad nito sa kanyang caption.
Ilang sandali lang ay marami na ang nagpahatid ng kanilang pagbati bilang pagsalubong kay Baby Ulap.
Cathy Mayuga: “Congratulations Pat & Keng! Hello Babyy Ulap!”
Dheyy Tiangco: “Congrats, Boss Keng!”
Ned Tiu: “Congratulations!”
Fericia Grace San Juan: “Hi ulap! Welcome to the world. Congrats po Ate Pat & Kuya Keng!”
We’re excited to see you, Baby Ulap! Congratulations Daddy Keng and Mommy Pat!
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…
This website uses cookies.