JaiGa Stars in A Soon-To-Be Released Pinoy Horror Film ‘Postmortem’

Usap-usapan ngayon ang much-awaited Pinoy Horror Film mula sa WeCamp Entertainment at Square One Studios na pinamagatang POSTMORTEM. 

Alamin ang mga kaabang-abang na detalye sa pelikulang pinagbibidahan ng ilan sa mga kilalang personalidad, kasama na ang tambalang JaiGa na binubuo nina Jai Asuncion at Agassi Ching.  

Much-Awaited Film

Kamakailan lang ay ginanap ang media press conference ng bagong pelikulang pagbibidahan ng mga personalidad gaya nina  Alex Medina, Mike Lloren, Jennica Garcia, Jai Asuncion, Agassi Ching, Albert Nicolas, at Sachzna Laparan.

Bukod sa kanila, tampok din ang ilang miyembro ng Billionaire Gang at Team Payaman na sina Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, Clouie Dims, Steve Wijayawickrama, Burong Macacua, Yow Andrada, at Chino Liu

Ang “Postmortem” ay sumailalim sa direksyon ni Tom Nava,  at inaasahang lalabas ngayong March 19, 2025 sa lahat ng sinehan sa bansa. 

Sa media conference ng pelikula, nagtipon ang ilan sa mga bida ng “Postmortem” na sina Jai, Agassi, at Alex, at nagbahagi ng kanilang mga karanasan tungkol sa kanilang bagong proyekto.

Grateful Hearts

Sa nasabing media conference, ibinahagi ni Jai ang galak na kanyang nararamdaman sa kauna-unahang niyang proyekto sa pag-arte. Binigyang-diin rin niya na bukas siyang tatanggap ng iba pang mga proyekto.  

Ayon naman kay Aga, matagal na niyang pangarap na maging isang artista bago pa man siya maging isang vlogger. 

“Ever since bata pa lang ako, gusto ko na maging artista,” aniya. Dagdag pa niya, gusto niya ring ipagpatuloy ang pagiging aktor kung mabibigyan ng pagkakataon.

Hindi rin nila naitago ang kanilang nararamdamang “pressure” dahil ito ang kanilang unang proyekto pagdating sa pag-arte. 

Dagdag pa nila, ang pressure ay nanggagaling sa kanilang kauna-unahang pagbuo ng pelikulang mapapanood sa takilya, at ang pag-asang matugunan ang inaasahan ng kanilang mga taga-suporta. 

Gayunpaman, ayon sa kanila’y nangingibabaw pa rin saya ng JaiGa sa naigng resulta ng kanilang pelikula, sa kanilang mga kasamahan sa cast, at lalo na sa kanilang direktor na si Tom Nava, na isa ring baguhan sa pagbuo ng full-length film.

“Sa sobrang daming mangyayari dito, talagang hanggang matapos ‘yung movie ay maghahanap pa kayo ng next [chapter] na agad,” ani Agassi.

Mark your calendars, mga Kapitbahay! Suportahan natin ang Team Payaman and Friends, at samahan silang tuklasin ang mga misteryo sa pelikulang POSTMORTEM simula ngayong March 19, 2025!

Angel Asay

Recent Posts

Team Payaman’s Clouie Dims Explores The Best Matcha Drinks in Siargao

Muling naghatid ng travel at food content ang Team Payaman vlogger na si Clouie Dims…

10 hours ago

SM at 40: Ivy Cortez-Ragos and Family Joins Celebration of SM Supermalls’ 4th Decade

SM has been a big part of Filipinos’ everyday lives, from family weekend bondings to…

10 hours ago

Doc Alvin Francisco Reveals the Hidden Truth Behind Your “Healthy” Favorites

Isa ka ba sa mga mahilig sa oatmeal, yogurt, granola bars, at ilan pang masustansyang…

24 hours ago

Team Payaman Opens ‘Playhouse Pickle’ Court to the Public

You didn’t see this coming, but for the love of the game, Team Payaman has…

2 days ago

Tokyo Athena Serves Cuteness In Recent Rapunzel-Inspired Milestone Shoot

Little Princess Tokyo Athena Velasquez is back and brighter than ever!  Bilang pagpapatuloy sa tradisyon…

2 days ago

Team Payaman’s Aaron Macacua Joins Pencilbox Comedy ‘Sun2kan sa Skydome’ This October

Patuloy na ipinapakita ng Team Payaman vlogger na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang kanyang…

2 days ago

This website uses cookies.