Isa sa mga hinahangaan ng netizens sa Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ay ang kanyang pagiging hands-on sa anak nitong si Kidlat.
Bukod dito, isa rin ang pagpupursigi at determinasyon sa pag-abot ng kanyang mga pangarap sa nagsisilbing inspirasyon ng kanyang mga manonood.
Sa kanyang recent Facebook post, nagbahagi ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez ng isang heartfelt appreciation post para sa isang taga-suporta.
Aniya, habang s’ya ay namamasyal sa mall, isang taga-suporta ang lumapit kay Viviys upang ipahatid ang kanyang paghanga sa 28-anyos na vlogger.
“Lumapit sakin si ate kanina. Sabi nya nakita daw nya lahat ng pinagdaanan ko. Lahat ng paghihirap sa negosyo pang-huhusga sa internet at kung ano-ano pa. Pero, lagi na lang daw nya ko pinagdadasal na sana maging successful ako sa buhay,” kwento ni Viviys.
Dagdag na kwento pa niya, naluha ang kanyang taga-suporta dala ng tuwa sa mga naabot na tagumpay ng kanyang iniidolong content creator.
Hindi napigilang maging emosyonal ni Viviys sa nasabing Facebook post, dahilan upang ipahatid niya ang kanyang walang hanggang pasasalamat sa pagmamahal na kanyang natanggap.
“Grabe na touch ako. Hindi lang pala dahil sa sipag ko at sariling dasal kung bakit ako nandito. May iba palang nagdadasal ng ikabubuti ko,” mensahe ni Viy.
“Ate, thank you! God bless, mahal kita! Dahil d’yan bigyan kita madaming sunscreen! Maraming salamat sa inyo,” dagdag niya pa.
Samantala, marami rin ang naantig at nagpa-abot ng kanilang pasasalamat kay Viy dahil sa inspirasyong hatid nito sa kanyang mga manonood.
Lilia Roberly Tanji: “Iiyak din ako kapag nakita kita at si Cong kahit wala akong sunscreen hahahha. Ngayon na may stage 4 cancer ako, nasa bucket list ko na sana ma-meet ko kayo one day sa Japan habang hindi pa ako nagbababye sa earth hihi more power Viy and Cong!”
Reniel Ramos: “Sumakses ka na talaga!”
Jorgelyn Orbiz Altiche: “Mahal ka namin Ms. Viy!”
Shane Jovir: “Nasubaybayan namin evolution ng tawa mo Ms. Viy, kahit walang sunscreen support ako basta may daily dose of Kidlat.”
Isa na namang masaya at puno ng rebelasyong episode ang inihandog ni Zeinab Harake sa…
Kilala si Boss Keng bilang King of Parlor Games ng Team Payaman dahil sa kanyang…
Isang bagong achievement na naman para kay Baby Isla matapos nitong mapagtagumpayan ang unang cycle…
VIYLine Skincare’s ‘Sunshade’ Tinted Sunscreen is definitely one of the hottest skincare must-haves right now! …
The summer season is just around the corner, but so is the flu season! Are…
Dahil sa patuloy na pagpapasaya ng kanyang mga manonood online, isang malaking milestone ang ibinahagi…
This website uses cookies.