Kilala si Boss Keng bilang King of Parlor Games ng Team Payaman dahil sa kanyang mga palaro sa kanyang YouTube channel.
Ngayong 2025, isang panibagong serye ang hatid ni Boss Keng, kung saan ang mananalo ay mag-uuwi ng tumataginting na isang milyong piso.
Sa debut episode ng kanyang bagong palaro, ibinida ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, ang bagong serye nitong pinamagatang “Cash Flow.”
Kasama nito ang kanyang kapwa Team Payaman members na game na game na nakikihiyaw at nakikisaya sa nasabing game show.
Ang nasabing palaro ay naglalayong masukat ang talino ng mga kalahok sa pamamagitan ng pagtatanong.
Ang bawat tanong na masasagot ay may kaakibat na cash prize mula P500, P1000, P1500, hanggang isang milyong piso.
Mayroong tatlong lebel ang nasabing palaro. Ang easy at medium round ay may tatlong katanungan, habang ang hard round naman ay may apat na katanungan.
Para sa unang episode, bumida ang miyembro ng Pilyo Gang na si EJ Linag, o mas kilala sa bansag na Osas Bata.
Aniya, malaki ang maitutulong ng kanyang mapapanalunang pera sa kanyang pang araw-araw na gastos kaya siya sumali.
Ang unang round ay umikot ang mga sa kategoryang “general information”, na s’ya ring nasagot ni Osas.
Mula sa pambansang hayop ng bansa, hanggang sa pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay, taas noo itong nasagot ni Osas.
Sa kasamaang palad, hindi niya napagtagumpayang masagot ang mga bugtong na hatid ni Boss Keng, dahilan upang hindi ito makapag-uwi ng papremyo.
Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa kauna-unahang collaboration ng Pilyo Gang kasama ang Team Payaman member na si Boss Keng.
@ChaeyoungCutie0: “HAHHAHAHHAHAH SOLID MO BATA LT KA!”
@Jaykulz: “Havey. Mas bagay SIPILYO GANG hahahaha!”
@dontreadnevermind3055: “Ang galing mag analyze! Amazing hahaha!”
@apr_herrera02: “Tuloy tuloy mo lang to Boss Keng!”
Watch the full vlog below:
Nag-alab ang excitement noong Linggo, July 20, sa nagdaang Star Magic All-Star Games 2025 nang…
Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys,…
It is no secret that Team Payaman’s Vien Iligan-Velasquez is one to look out for…
Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez hatid ang ika-limang episode ng…
Matapos ang buwis-buhay na content sa Cebu, kaabang-abang na naman ang bagong vlogs na inihahanda…
After a successful run in Quezon City, the Viyline MSME Caravan officially launched its 7th…
This website uses cookies.