Rana Harake Throws A Spectacular 6th Birthday Celebration for Niesha

“Seeing your child happy is one of the best feelings in the world.”

Iyan ang pinatunayan ng soon-to-be-mom of two na si Rana Harake sa kaniyang bagong YouTube vlog.

Ipinasilip niya ang naging paghahanda para sa ika-anim na taong kaarawan ng panganay niyang si Raniesha Harake Enriquez. 

Niesha’s 6th birthday

Kwento ni Rana, ang kanilang inihandang birthday celebration para sa anak ay nagsilbing advanced birthday gift ng mga ito bago lumipad pa-America ang kaniyang fiance na si Antonio Enriquez II.

Naglaan ng oras ang magkasintahan upang tuparin ang request ng anak na ipagdiwang ang kaniyang kaarawan sa isang indoor playground, kung saan inimbitahan nila ang kanilang mga malalapit na kaanak, kaklase, at mga kaibigan ni Niesha.

I want [a] Kidzoona party,” request ni Niesha.

Dagdag na kwento ni Rana, ideya rin ni Niesha ang pagkakaroon ng Gabby’s Doll House-themed party na kanila ring tinupad. 

Siya ang may birthday pero parang di niya na-enjoy kakatunganga dito sa Gabby’s Doll House cake niya,” biro ni Rana. 

“Sobrang tagal, 6 years old na si Niesha, ngayon lang siya nahilig sa dolls. Mga laruan niya more on panlalake and sea animals. Ngayon, medyo nagdadalaga na ‘yung anak ko so I’m so happy,” dagdag pa niya. 

Datapwat bawal magpagod ang buntis na si Rana, makikita sa vlog kung paano nag-enjoy ang mga parents sa iba’t ibang aktibidad sa nasabing indoor playground.

Birthday Greetings

“Happy Birthday, Niesha! We love you,” mensahe ng mga dumalo sa party. 

Samantala, ipinahatid din ng mga taga-suporta at ng mga manonood ang kanilang pagbati para sa kaarawan ni Niesha.

Legen Senogaya: “Happy birthday, Niesha!”

Edna Enriquez Prestosa: “Sending you love on your special day… Happy Birthday!”

Jelian Paraiso: “Happy birthday, Niesha!”

Gel Lopez: “Happy Birthday gandang Niesha!”

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.