Top 5 Kilig-Much Love Languages As Seen In Team Payaman Power Couples

Pinatunayan ng Team Payaman couples na hindi lamang tuwing Pebrero pwedeng ipakita ang iyong pagmamahal. Ayon sa mga ito, araw-araw nila itong ipinaparamdam sa kanilang mga mahal sa buhay.

Tunghayan ang natatanging love language, at ilan sa mga kilig-much moments ng ating paboritong Team Payaman Power Couples na sina Cong-Viy, Junnie-Vien, Keng-Pat, Kevin-Abi, at Dudut-Clouie.

Cong & Viy’s Words of Affirmation

Maliban sa mga YouTube vlogs nina Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, masusubaybayan din natin ang kanilang buhay mag-asawa sa kani-kanilang Facebook posts.

Isang halimbawa na lamang ay ang appreciation post ni Viviys kay Cong para sa kanilang ika-sampung taong anibersaryo.

Wala pa tayong isang buwan tinanong kita kung magtatagal ba tayo. Tumingin ka lang sakin. Ngayong taon, 10 years na tayo.. ‘Yung tingin mo pala na yun sisiguraduhin mo na hindi tayo maghihiwalay.. hindi mo ko niloko, hindi mo ko sinaktan, at pinaganda mo ang buhay natin.

Mag Valentine’s day ng nasa tamang tao. Eh ikaw?” saad nito sa kanyang Facebook post.

Ito ay isang klase ng love language na “Words of Affirmation” kung saan makakapag-paramdam ito ng pagpapahalaga, pagmamahal, at respeto sa pamamagitan ng mga positibong salita.  

Words are indeed extra powerful and sweet!

Pat & Keng’s Gift-giving Bonding

Hindi naman nagpapatalo ang mag-asawang sina Pat Velasquez-Gaspar at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, pagdating sa pagbibigay ng regalo sa isa’t isa.

Kamakailan lang ay niregaluhan ni Boss Keng si Pat ng kaniyang inaasam na vlogging camera habang sila ay nagbabakasyon sa Japan. 

Samantala, si Pat naman ay hindi rin nakakalimot sa pagbili ng magagarbong pasalubong kay Boss Keng sa tuwing magkalayo ang mga ito.

Tunay ngang iba rin ang kilig kapag naibibigay mo ang gusto ng minamahal mo, lalo kapag nakita mo sa kanilang reaksyon na gustong gusto nila ito. 

Ito ang napatunayan ng mag-asawang Keng-Pat sa kanilang “giving gifts and receiving gifts” na love language.

Physical Touch by Junnie – Vien

Hindi maitatanggi na talaga namang sweet at clingy sina Vien Iligan-Velaquez at Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, sa isa’t-isa.  

Maliban sa mga YouTube vlogs ay kitang-kita rin ito sa mga bedroom cctv videos na binabahagi ni Vien sa kaniyang Facebook account. 

Inamin din ng dalawa na ang pagtulog ng magkatabi ang isa sa naging pagsubok noong isinilang ang kanilang dalawang anak na sina Kuya Mavi at Viela.

Subalit, sa tuwing magkasama ay paniguradong nananaig pa rin ang love language na physical touch sa kanilang pagsasamahan. 

Kevin & Abi’s Quality Time

Kilala para sa kanilang mga relatable married-life POV skits, ang mag-asawang sina Kevin at Abigail Campañano-Hermosada naman ay sinisugurong hindi mawawala ang kanilang quality time.

Makikita sa YouTube vlogs ng dalawa na madalas ginugugol nila ang kanilang oras nang magkasama sa content creation, adventure, o ‘di kaya ay sa pagiging abala sa kanilang baking business na Ti Babi’s Kitchen.

Dudut’s Acts of Service for Clouie

Bilang resident chef ng Team Payaman, si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang nobyang si Clouie Dims sa pamamagitan ng pagluluto.

Ang pagluluto ay isa lang sa mga halimbawa ng “acts of service.” Para kay Dudut, pagluluto ang isa sa kanyang mga paraan upang maiparamdam kay Clouie ang kanyang pagmamahal.

Ang mga kwento ng Team Payaman Couples ay ilan lamang sa halimbawa ng love languages na maari niyo ring gawin at iparamdam sa inyong mga mahal sa buhay!

Ano ang kilig-much moment n’yo? Share n’yo na ‘yan! Happy Valentine’s Day, mga Kapitbahay!

Alex Buendia

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

16 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.