Netizens Applaud Team Payaman’s Geng Geng for Fulfilling His Sibling’s Laptop Dreams

Bukod sa pagiging masunurin sa kanyang Kuya Cong at Ate Viviys, pinatunayan ng Team Payaman member na si Geng Geng isa rin siyang mapagbigay na kapatid. 

Umani ng samu’t saring papuri at paghanga mula sa mga netizens si Geng Geng matapos niyang tuparin ang hiling ng kapatid na magkaroon ng bagong laptop para sa kanyang pag-aaral. 

Selfless & Responsible

Sa kanyang bagong TikTok video, ikinuwento ni Kevin Cancamo, o mas kilala bilang si “Geng Geng”, na ang kanyang nakababatang kapatid ay tila humihiling ng bagong laptop na kanyang gagamitin sa eskwelahan. 

Nung nakaraang taon kasi, nag-request ‘yung kapatid ko. Magka-college na kasi siya eh, ang dami na niyang ginagawa. So kailangan niya talaga ng laptop,” bungad ni  Geng Geng.

“Sabi ko wala akong pera. Syempre, may ipon ako. Wala akong pakialam kung maubos ang pera ko, kung para naman sa pag-aaral niya, okay lang. Masaya ako dun,” dagdag pa niya.

Sa nasabing video, ipinakita rin ni Geng Geng ang pagbili niya ng bagong laptop sa mall habang sinasambit na sana magkasya ang dala niyang pera. 

Sana umabot ‘yung pera natin sa laptop. May Php 68,000 or Php 100,000, hindi para sa amin ‘yung laptop na ‘yun. Wala kaming pera,” kwento nito

Matapos makabili ay ibinahagi rin ni Geng Geng ang naka-aantig na reaksyon ng kanyang nakababatang kapatid nang malamang may bago na siyang laptop na magagamit sa eskwelahan. 

Bukod sa regalo nitong laptop, nag-abot din si Geng Geng ng pambaon para sa kanyang isa pang kapatid.

Baon niyo ‘yan ah. ‘Wag na kayong manghingi kay Mama,” payo ni Geng kanyang kapatid. 

Netizens’ Reactions

Bagamat estudyante lang din at wala pang pormal na trabaho si Geng, hindi pa rin niya kinakalimutan na tumulong sa kanyang pamilya, dahilan upang makatanggap ito ng papuri mula sa mga netizens.

@Ms. Dhane: “Cong TV must be very proud of Geng

@dainakara: “Napaka-angas! Kahit part si Cong TV ng Acer, hindi siya umaasa kay Cong or sa kahit sinong TP member—sariling sikap pa rin!”

@angprobinsiyana: “Pay it forward, ika nga. Hindi kailangan ibalik literally kila Cong. Pero pwede mo gawin ‘yung ginagawa sayo sa iba. Kudos sa’yo, Geng.”

@era.krisha: “BEST KUYA!! Sana dumami pa ang blessings sa buhay mo Genggeng. Stay grounded and keep on fulfilling your dreams and your fam. SO PROUD!”

Watch the full video here:

Alex Buendia

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.