Steve Wijayawickrama Shares The Secret Recipe To His Vlogging Success

Mula sa pagiging editor ni Cong TV, hanggang sa pagiging isang content creator, pinatunayan ni Steve Wijayawickrama na mahalagang sangkap ng tagumpay ay ang pangangarap.

Masaya nitong ibinahagi ang kanyang paglalakbay bilang isa sa mga kilalang content creator ng biggest vlogger group ng bansa —ang Team Payaman. 

Manifestation Is Real

Bumida sa kauna-unahang episode ng Wacky Talkie Podcast ang Team Payaman editor-turned-vlogger na si Steve Wijayawickrama

Isa sa mga naging diskusyon sa nasabing podcast episode ay ang mga pinagdaanan nina Steve at ng kanyang kaibigan bago maabot ang kani-kanilang mga pinapangarap na karera.

Bungad niya, tinanong ni Steve ang sarili kung ano nga ba ang kanyang hangarin sa papasuking industriya.

“Nag-start ako sa level zero talaga. And now, if you will ask me [kung] may mga hindrances ba talaga, until this day, I think, there’s always this pressure,” kwento ni Steve.

Samantala, ibinahagi rin ni Steve sa mga kaibigan na noon pa man, kasama na sa kanyang mga ‘manifestations’ ang buhay na mayroon siya ngayon.

“Kasi ako, I manifested. Minanifest ko talaga na ako, magva-vlog ako. I’m so happy with what I’m doing,” aniya.

Gaya ni Steve, isa sa mga susi sa tagumpay ay ang hindi pagsuko lalo pa’t kung pangarap ang nakasalalay dito. 

“Hindi ko masasabi na tsamba lang kasi I know to myself that I have this vision when I was starting, and I didn’t stop,” kwento niya.

Keep Going

Hindi itinanggi ni Steve na habang unti-unti nitong tinutupad ang pangarap na maging isang content creator, kaliwa’t-kanan ang mga hamong kinakaharap niya.

“It’s natural na, kapag hindi ito nag-work, ito na lang ang gagawin ko. Ang sabi ko, I’ll give everything a try, na kapag hindi ito nag-work, babalik ako sa dati kong course pero I’ll still make videos pa rin,” kwento niya.

Isa rin sa mga mahahalagang sangkap ng kanyang tagumpay pagdating sa vlogging ay ang patuloy na paniniwala sa sarili at hindi pagsuko ano man ang hamong kanyang kinakaharap.

“Mahihirapan ka, ‘yung way mo up there, pero once you get it, you know to yourself na nakuha mo ‘to [‘yung pangarap mo] grinind mo ‘to. You took that leap of faith that led you to the better version of yourself,” payo ni Steve.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
13
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *